KADALASAN, ANG TAO na mismo ang naghahanap ng paraan upang mapagtakpan, kundi man maibsan ang pagdadalamhating kanyang pinagdaraanan.
Kilalang payaso sa showbiz si Anjo Yllana, pero hanggang sa tunay na buhay – lalo nitong nawalan siya ng kapatid – ay hindi kumakawala ang kanyang mapagpatawang karakter sa pagkatao niya.
Kung natatandaan n’yo ang sitcom na kinabibilangan ni Anjo sa ABS-CBN noon na Abangan Ang Susunod Na Kabanata, papel na Dino Tengco na may “kakaibang” kilos at pananalita ang kanyang ginampanan. Kung inakala n’yong ganu’n talaga ang pagkakahulmna sa karakter, ang totoo, naging inspirasyon ni Anjo ang kanyang kapatid, si Robert Francis nicknamed Robbie. Si Robbie ang ikalawa sa limang magkakapatid na Yllana, na sampung taong nakipagbuno sa sakit na diabetes at pumanaw kamakailan. Robbie was 40.
Robbie’s demise was ill-timed in the sense na itinaon pang tila papa-recover pa lang si Anjo mula sa kanyang pagkatalo sa pagka-bise alkalde sa Parañaque City (pero wagi naman si Ryan bilang konsehal sa Ikalawang Distrito nito). For Anjo, it was a history-repeats-itself case. The first time kasi he lost, ‘yun naman ‘yong panahong nagdedelikado ang pagbubuntis ng kanyang maybahay na si Jackie.
Sa ginawa ngang interview ng Startalk kay Anjo, halatang pinipigil ng aktor ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
Tandang-tanda ni Joey de Leon, co-host ni Anjo sa Eat Bulaga, ang mismong araw nu’ng makatanggap ang huli ng emergency call tungkol sa nag-aagaw-buhay na si Robbie. “Ha?!” Gulat na sagot daw ni Anjo at Ryan which allowed them little time for frequent visits to the sick brother.
Pero sadya yatang ang kalungkutan – tulad ng amnesia – ay selective o nasa sa tao kung paiiralin niya ito o pangingibabawin ang masayahing disposisyon. Tuluyan na ngang tumawid si Robbie sa kabilang mundo, nakatanggap ng tawag si Tito Joey mula kay Anjo. “Pare, basta, ha, tabi tayo sa machine!” sabi raw ni Anjo sa kanya. Curious, tinanong naming si Tito Joey kung ano ang ibig sabihin ni Anjo sa kanyang tinuran.
“Pupunta kasi kami sa Las Vegas, tabi raw kami sa slot machine (sa casino),” sabi ni Tito Joey.
Ang totoo, hindi sa “in-denial” pa rin si Anjo sa pagpanaw ni Robbie, tanggap na nila ang sinapit ng kapatid. Maaaring defense mechanism ‘yon ng komedyante, specifically the so-called rationalization (na nahahati sa dalawa: sweet lemon at sour grape) sa pag-aaral ng psychology.
Ang hindi alam ng marami, Robbie was closest to Anjo bilang sinundan nito. Noong mga bata pa, madalas maglaro ng suntukan sina Anjo at Robbie, only to turn that sparring to brotherly caring. Spoiled nga si Robbie kay Anjo na anuman daw ang hilingin nito ay ibinibigay ni Kuya.
Kahapon na inilagak ang mga labi ni Robbie, na sa totoong buhay ay payaso na pinaghugutan ng galing sa pagpapatawa ni Anjo.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III