NA-CREMATE NA ANG character actor na si John Apacible nung Sabado at dinaluhan ito ng mga naiwan niyang mga mahal sa buhay. Ang isa sa may pinakamabigat na damdamin that time ay si Anna Leah Javier, John’s live in partner for more than 8 years.
Bago ang cremation, sa isang gabi ng lamay ng 38-year old actor, nakausap namin ang former Viva hotbabe na si Anna Leah.
Naiwan ni John ang isang 15-year old son na si John-John at ang 17-year old na si Auren. Anak niya ang mga ito sa una nitong nakarelasyon.
Ayon kay Anna Leah, sobrang sakit sa kanya ang pangyayari, lalo’t tiyuhin pa ni John ang bumaril sa boyfriend.
“Sobrang taas ang respeto ko do’n sa tao, kasi, tito niya. Nagpupunta ‘yun sa condo. Every so often, nagpupunta kami sa house nila. You can’t help question why, ‘di ba?”
Kinompronta ba niya ang tiyuhin ni John?
“After that? No! And I don’t wish to talk to him! I don’t wish to talk to him ever!”
Sa kasagsagan ng lamay, nabalitang sumuko na ang tiyuhin.
“I haven’t seen him, pero ‘yun ang nasa news last week. Pero ang alam ko, naka-hospital arrest siya (dahil umano sa hypertension), pero ang gusto ko, makulong talaga siya!” galit na sabi ni Anna Leah.
May hakbang bang pinaplano ang pamilya ni John na magsampa ng kaso sa killer ng boyfriend?
“As much as possible, gusto ko namang mabigyan ng justice ang kamatayan ni John. Alam kong gusto pa niyang mabuhay eh! Ang dami pa niyang plans sa buhay. Ang dami pa niyang gustong gawin. He takes care of himself. Tapos, sa isang iglap, gano’n na lang ba ‘yun?!”
Full time ba ang pagbabagong buhay ni John?
“Oo, at ‘saka ‘yang si John, ang laki-laking tao, pero parang bata ‘yan. ‘Yung heart niya, kahit na meron siyang imperfections, sobrang pure ng heart niyan. Very genuine makisama. Very genuine niya i-treat ang mga tao, lalo na pag mahal ka niya, he loves you genuinely.
“Kasi, inevitable ‘yung nagkakamali ka, ‘di ba? Pero kung sa pagiging tao at pagiging tao lang, sobrang tao siya. Sobrang bait. Kasi, otherwise, hindi rin naman ako tatagal (sa kanya).”
Papaano niya ipinaglalaban ang nararamdaman niya ngayon?
“’Yung nararamdaman kong pain, it’s normal. Kailangang pagdaanan ‘yun. It’s a process.
So, you just have to go through it, and eventually, sana mag-heal. Siguro, it’s a matter of accepting na lang na behind everything, talagang merong purpose si Lord, eh hindi puwedeng wala.
“Masakit kung sa masakit. Hindi mo maidi-describe ‘yun. May pain. Tapos, may galit.
“Only the Lord knows what’s His purpose is. Hindi mo puwedeng tanungin o kuwestiyunin ‘yun.”
Since mahal niya ang taong namatay, gusto ba niyang ituloy ang pagdedemanda ng kasong krimen kay John?
“I’m not in the position to decide, dahil unang-una, hindi pa naman kami kasal. Mahal na mahal ko siya, pero wala ako sa posisyon. May immediate family siya na kailangan nating hintayin kung ano ang magiging desisyon. But, in case na hindi nila itutuloy ‘yun, I will be the one to do it!
“Kasi, parang… ano naman klase ako (kung hindi ko gagawin)? Oo, to give justice rin.”
Naging close rin ba siya sa uncle ni John na isang seaman?
“Kasi, ‘yung family naman niya, talagang nakilala ko na for many years. So, every time na uuwi ang tito niya sa bansa, kasi nga, seaman ito, they would invite us. Pupunta kami. Or minsan, i-invite namin sila sa condo. So, may ganoong relationship.”
Aminado si Anna na ang bisyo ni John ay pag-inom. Anong masasabi niyang dahil sa alak din namatay ang boyfriend?
“Oo nga eh. Pero nung time na ‘yun, feeling safe ako, dahil nandoon nga siya (sa bahay ng uncle niya, halos katabi ng bahay ni John), so wala akong ine-expect na tragedy na mangyayari,” madamdaming pagtatapos ni Anna Leah Javier.
Sa lahat ng mga naulila ni John Apacible, our heartfelt condolences. Isang maligayang paglalakbay, mahal kong kaibigan.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro