OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Ay, ambot! Nakakaloka naman itong si Alma Moreno at pinagkakalat pa niyang hindi na raw matutuloy ang pagtakbo niyang senador. Kasi, ayaw raw pumayag ng kanyang anak na si Vandolph. Baka raw kasi hindi kayanin ang pangangampanya.
Mukhang napakababaw namang dahilan. Kung ang mga matatanda pa nga sa kanya, kaya pa nilang mangampanya. Hindi naman kaya tinablan siya ng kahihiyan, kasi ambisyosa rin ang babaeng ito. Tulad din siya ni Annabelle Rama na gusto ring kumandidatong congresswoman sa Cebu.
Alam ba nila ang ginagawa ng isang senador at isang congresswoman? Sila po ang tagagawa ng mga batas. Ano ang gagawin nila roon, tagabutas ng batas?
O baka naman doon na sila makipag-away nang walang dahilan at maghasik ng kasinu-ngalingan?
ANYWAY, TUNGKOL pa rin kay Annabelle Rama. Nananawagan ng ‘boycott’ ang press group na Alab ng Mamamahayag (ALAM). Idineklara ng grupo si Annabelle na ‘persona non grata’ at ‘enemy of press freedom’.
Ayon kay Jerry Yap, chairman ng ALAM at dating president ng National Press Club (NPC), abuso na umano ang ginagawa ni Annabelle Rama.
“Kung siya’y magalit sa mga reporter, gagawin lagi ang ginagawa niya, at hindi na namin mapapalagpas ‘yon.”
Sabi ni Jerry Yap, nagpadala siya ng sulat kay Annabelle para ayusin ang namagitan sa kanila ni Chito Alcid. “Ayun, bigla akong nakatanggap ng tawag sa telepono. Ako’y pinagsisigawan at pinagtatalakan nang kung anu-anong masasamang salita ni Ms. Rama. Ako naman ay mahinahong sumagot sa kanya. ‘Ms. Rama, kung nabasa po n’yo ang sulat ko sa inyo, ang gusto ko lang, magkaayos kayo ni Chito Alcid’.
“Ayun, tuluy-tuloy ang pagtatalak sa akin ng kung anu-ano. Sabi ko, ‘sorry, hindi tayo magkakaintindihan’. Ibinaba ko na ang telepono.”
Hinihikayat din ni Jerry Yap ang iba pang media group na ikondena ang mga aksiyon ni Annabelle, at i-boycott ang mga press release at showbiz news na may kaugnayan sa pamilya ni Annabelle.
Naniniwala naman si Annabelle na mahal siya ng press people. Sabi niya, “Lahat ng mga credible reporter na sikat, kaibigan ko lahat ‘yan. Mahal ako ng press. ‘Yang mga katulad n’yo na credible writers, reporters, newscasters… anytime, tawagan n’yo ako, nandito ako. Kasi naniniwala ako sa inyo na hindi gumagawa ng kuwento, hindi kayo gumagawa ng maling istorya. Kaya lahat ng mga tabloid, mga credible writer, ‘yan mga kakampi ko ‘yan, at best friend ko ‘yan.”
Iyan ang sinabi ni Annabelle nang ka-panayamin sa television.
Ito lang ang masasabi ko, siya ang pambansang sinungaling. Kasi, hindi siya isusulat kung wala siyang datung. Mga bayaran ang nagsusulat pabor sa kanya. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding