NATUWA NAMAN kami, dahil finally ay nag-kiss and makeup na sina Tita Annabelle Rama at Nadia Montenegro, ayon na rin sa mga tweets nila. So, all’s well that ends well.
Natalo man sa eleksiyon si Tita Annabelle, nanalo naman siya sa showbiz bilang bati na sila ni Nadia at kasunod na niyan ang pag-urong nila ng demanda laban sa isa’t isa.
Juice ko, dapat talaga, amicable settlement na lang o kung merong isa silang taong nirerespeto, ‘yun na lang sana ang gumigitna at umaayos. ‘Pag nag-abogado pa sila, gastos lang ‘yan.
Alam na, ‘di ba?
“GANO’N PALA, mare, ‘no? ‘Pag inaapi ka, ‘yung mga taong nakakakilala sa ‘yo ang dedepensa para sa ‘yo?”
Nag-agree agad kami sa tinuran ni Ai-Ai delas Alas nu’ng makausap namin.
‘Kala nga namin nang sandaling ‘yon ay sinisipon siya, pero ang sabi niya, “Hindi. Naiyak lang ako nang sobra, dahil ‘yung mga tao mismong nagpa-follow sa akin sa instagram ang nagtatanggol sa akin, nagpapalakas ng loob ko na kaya ko ‘to, kaya ako naiiyak. Wala akong sipon, mare!”
Iba talaga ‘pag kilalang-kilala mo ang isang tao. Sa mata pa lang niya ‘pag nakikita mo, sa boses niya ‘pag naririnig mo, sa mga kilos niya na nararamdaman mo, alam mo kung masaya o may problema.
Sabi nga namin kay Ai-Ai, “Mare, resulta ‘yan ng pagiging mabait mo sa tao. Alam nilang hindi ka salbahe, kaya ka nila ipinagtatanggol. At totoo ‘yung depensa mula sa kanila na tinatanggap mo. Hindi fake, kasi hindi ka naman naging fake sa kanila.
“Lalo na sa mga taong nakakakilala sa ‘yo nang lubos. ‘Yun ‘yon, mare. Inaani mo lang ang itinanim mo sa tao.”
KAUSAP NAMIN nu’ng isang araw si Gladys Reyes. Hindi na namin sasabihin pa kung ano ang pakay ng pakikipag-usap namin sa kanya, pero ramdam namin sa boses niya ang concern at friendship sa amin.
“Nako, Kuya Ogie, ikaw pa ba naman, ‘di ba? Hamo, hindi ko maipapangako, pero gagawin ko lahat ang puwede kong gawin para sa request mo.”
At nu’ng araw Ring ‘yon ay si Gladys na mismo ang tumatawag sa amin para i-update kami na sobra kaming natutuwa, dahil positive ang response nIya sa amin.
“Nako, next time, Kuya Ogie, ‘pag me problem kang ganyan, dapat ako na ang unang taong maiisip mo para magawan agad natin ng paraan.”
Napangaralan pa tuloy ako ni Gladys.
“Lagi mong tatandaan na kahit hindi tayo madalas magkita, mahal kita.”
Wow! Ang sweet naman ni Gladys. Thank you, kaibigan.
Kaya, Gladys…. Ikaw na!
Oh My G!
by Ogie Diaz