NAKAKALOKA NA ito! Pagkatapos ng Pasko, papasok na tayo sa taong 2012, lalong umiinit ang gulo na sinusubaybayan natin.
Ang daming kasong isinampa ni Nadia Montenegro kay Annabelle Rama. ngayon si Bisaya na naman ang bubuwelta at magsasampa na rin daw ng kaso laban kay Nadia.
Ito ‘yung gustong ipahuli ni Nadia si Annabelle pagkatapos magwala ng huli sa harap ng fiscal nu’ng magkaharap silang dalawa.
Pitong pulis yata ang dala ni Nadia na pumunta sa opisina ni Annabelle sa Imperial Palace para ipahuli ito, pero hindi naman natuloy dahil hina-hanapan sila ng Warrant of Arrest. Wala rin doon si Annabelle kaya hindi natuloy ang hulihan.
Nang nakausap ng Startalk reporter namin si Annabelle, hindi pa raw niya masasabi kung magdedemanda siya dahil pinag-aaralan pa ito ng mga abogado niya.
Ang alam ko nagdagdag pa nga ng abogado si Bisaya para matindi ang laban niya kay Nadia.
Nabalitaan ko nu’ng kamakalawa ng gabi na magsasampa na raw si Annabelle ng kasong Attempted Kidnapping laban kay Nadia.
Hindi ko pa nakuha ang buong detalye, basta ang latest may bagong demandahan na naman.
Siyempre tuloy ang pagsubaybay natin sa away ng dalawa. Hindi lang natin alam kung sino ang mananalo rito.
Ang natitiyak ko lang, panalo ang mga abogado nila dahil sila ang kumikita sa dami ng mga kasong aasikasuhin. Makikibalato na lang ako sa mga abogado nila! ‘Yun na!
ANG SABI ni Kris Aquino, ang second place sa box-office ang paglalabanan nila ni Dingdong Dantes sa pelikula nilang Segunda Mano na entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
Tiyak na raw niyang ang Enteng ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas ang mangu-nguna sa takilya kaya sa pangalawang slot na lang daw sila lalaban.
Tingnan na lang natin, dahil ang natitiyak ko namang mahigpit na makakalaban ng Enteng ay ang Panday 2 siyempre nina Sen. Bong Revilla at Marian Rivera.
Hindi naman siguro ang Segunda Mano ang makakalaban ng Panday 2.
Sa laki ng mga pelikulang kalahok, mukhang matutupad ang target ng MMFF na kikita raw ito ng mahigit 600 million pesos.
Sana nga! Dahil dito lang naman namamayagpag ang mga local films natin.
Basta ako, suportado ko ang Panday 2 dahil kay Bong ‘yan siyempre. Puwede na rin ang Segunda Mano, dahil na rin kay Dingdong na isa sa paborito ko, ‘no!
Sa December 21 pala ang premiere night ng Panday 2 na gaganapin sa SM Megamall. Ang alam ko, inaayos pa kung ilang sinehan ang paglalabasan nito dahil mahirap yatang ma-accommodate ang mga gustong manood sa isa o dalawang sinehan lang.
Nangako naman daw si Dingdong kay Marian na sasamahan niya ito sa premiere night ng Panday 2.
Si Marian naman ay sasamahan din daw niya si Dingdong sa first screening ng Segunda Mano dahil wala kasi itong premiere night.
At least suportahan silang magkasintahan.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis