HINIHINGI ANG aming opinyon tungkol sa pagsusumbong ni Ruffa Gutierrez sa twitter kaugnay ng feeling niya’y binastos siya ng staff ng kanyang show na Paparazzi dahil birthday na birthday niya ay kahalayan ang itinatanong sa kanya.
Hindi agad kami nakasagot hanggang sa me nag-tweet ng link sa amin kung saan mapapanood ang naturang birthday presentation ni Ruffa last Saturday.
Nagsumbong si Ruffa sa kanyang twitter followers na binastos siya ng Paparazzi, eh birthday niya pa man din at nanonood ang kanyang dalawang anak. ‘Yun daw ba ang regalo sa kanya ng show, ang hindi siya irespeto?
Ang The Buzz daw ay hinding-hindi siya gaganu’nin.
Alam naming out of galit, kaya itong si Ruffa ay nag-tweet nang gano’n. Sana lang, huminahon muna siya, huminga nang malalim, nag-isip nang ilambeses, ikinonsulta niya sana sa mga kaibigan niya ang kanyang feelings kung tama bago siya nag-tweet nang gano’n.
Since nai-deliver naman ni Ruffa during live ang kanyang iritasyon at hindi naman masyadong nahalata, sana, sinakyan na lang niya. At pagkatapos ng show, doon na lang niya kinausap o kinumpronta ‘yung writer sa kanyang concern.
ANG NANGYARI pa, si Tita Annabelle Rama ay nilitanyahan ang management ng TV5 at ang headwriter ng Paparazzi. Nalaman pa tuloy ng publiko kung ano ang ikinagalit ni Ruffa. At ito nga ay ang “comparing notes”.
Kung sino sa mga aktor na binanggit ang may pinakamalaking nota.
Hindi naman natin ‘yon malalaman kung hindi binanggit ni Tita Annabelle sa twitter followers niya, ‘di ba? Ayun, sari-saring opinyon na ang lumipad. At natanggap namin.
Kesyo me point namang magalit si Tita Annabelle dahil binastos ‘yung anak niya sa sarili nitong show.
Some were saying “bulu-ngan” ‘yon at wala namang idea ang mga manonood kung ano ‘yung ibi-nulong na tanong kay Ruffa, baket kailangang OA mag-react si Ruffa?
Hindi bale raw sana kung hindi ibinulong kundi isinigaw, doon daw siya mag-react. Kesyo ang arte naman daw ni Ruffa sa eksenang ‘yon. ‘Yung isa namang nag-tweet sa amin, ang sabi, akala raw niya hindi pikon si Ruffa at game na game ito at kahit ano ay kayang i-handle with dignity, pero na-turn-off na raw siya.
HINDI NAMAN namin hinuhusgahan si Ruffa Gutierrez o si Tita Annabelle Rama. Meron silang gustong ipaglaban at baguhin, kaya siguro ganyan silang makipag-away nang walang kinatatakutan.
Pero sabi nga namin, wala namang bagay na hindi naaayos sa magandang usapan. Sana, iniupo na lang nila ang problemang ito nang hindi na dinadaan pa sa twitter, dahil malaki ang chance na maayos.
Kasi, ang susunod na katanu-ngan diyan: ngayong nagdeklara na si Ruffa na hindi na siya tutuntong sa Paparazzi, paano kung hindi siya habulin ng management? Paano kung balewalain ang kontrata, dahil siya naman ang umalis?
Ang ipinangangamba lang namin since love namin si Tita Annabelle, baka matakot na ang mga network na kunin ang mga alaga nila para lang maiwasan ang away balang-araw sa pagitan ng management o ng executive producer at ng pamilya ni Tita Annabelle.
Talented pa naman ang mga hina-handle na talents ni Tita Annabelle, tapos, magkaroon ng silent ban. Knock-on-wood. ‘Wag naman sana.
Kilala naman naming isang palabang nanay at manager si Tita Annabelle na kahit saang laban, ipagtatanggol at poprotektahan ang mga anak at iba pang alaga.
Diyan kami bilib kay Tita Annabelle. At alam din naming hindi si Tita Annabelle ang laging nag-uumpisa ng away at sumasa-got lang siya.
Pero puwede naman siguro siyang magpahaba ng pisi ng pasensiya, magpatawad at magparaya paminsan-minsan.
Oh My G!
by Ogie Diaz