MULING UMALINGAWNGAW ang pangalan ni Tita Annabelle sa industriya ng telebisyon pero usapang mag-balae naman. Naks! Mga intrigang sa likod nito ay may mga ngiti ng pagmamahal.
Sinubukan kong maghanap muna ng maisusulat kaya ako ay nag-tweet-tweet muna at naisip kong kumusta kaya ang mag-anak na mga Guttierez, lalo na kay Tita Annabelle. Nakatutuwa naman ito ‘pag may kagalit. Pero naniniwala naman ako na sa likod ng kanyang mga binitawang salita o inis o galit ay bunga lamang marahil ng kanyang pagiging prangka.
Kahit hindi ko pa siya na-interview nang one-on-one, sa tingin ko naman, may kababaang-loob din ito at caring sa mga taong inaasahang naiintindihan din siya sa kanyang mga paniniwala sa buhay.
Balikan natin ang mga intriga sa bagong mag-balae. Diumano ay nagbitaw ng salita si Tita Annabelle sa kanyang balae kay Sarah Lahbati, pagkatapos ng magarbong binyagan ng apo kay Richard Guttierez at Sarah.
Ayon daw kay Tita Annabelle, pinababalot ang mga tirang mga pagkain sa binyagan na siya namang ikinasama ng loob ng balaeng si Ester Lahbati (ina ni Sarah). Dahil sa isyu ay nahusgahan nang mabuti itong si ‘’Day’ Tita Annabelle ng mga tao. Minasama ‘ata ito ng nanay ni Sarah at pinalagay na naapi ang isang mahirap katulad niya.
Pero sa akin, ang komento ko ay natural sa mga Pilipino ang magbalot ng mga natitirang pagkain as in hindi naman siguro ‘yung mga tira sa plato ng mga bisita kundi ang mga excess na inihanda. Naks! Sayang nga naman sakali at syempre Pinoy style ‘ata ‘yan. Hahaha! ‘Pag ganyan, positibo ang mga Pinoy.
Tingin ko naman, walang masamang hangarin itong si Tita Annabelle kundi ay concern sa kanyang balae or nais sigurong ilapit ang loob sa kanya. Pinaniniwalaan ko ring parang hangin lang nitong sinabing ‘yon at walang intensyon na imanipula ang sistema.
Ang alam ko, ang daigdig niya ngayon ay ang kanyang apo na wiling-wili siya. Kay Zion, muli ay may panibago siyang anak na walang iba kundi ang apo niya. Hahaha! Ganyan talaga ang mga lola mo, ‘day!
Ito ang mga nasagap natin sa tweet-tweets ni Tita Annabelle:
“Busy ako kay Baby Zion, nakaka-in love, nakakawala ng stress, kaya ‘di ko na pinapansin lahat ng mga intriga…”
“Ayaw kong pumatol sa mga taong kinakawawa ang sarili nila. Basta ako, I won’t allow myself to be kawawa, move on, for past.”
“I love you so much Z, pati si Lolo Eddie love na love ka, sana laging may out of town work Dad & Mom mo para dito ka sa amin.”
“Hindi namin kaya ng Lolo mo na hindi ka makita sa loob ng isang araw. We love you 100 times… mwah!!!”
“Masaya ako sa positive feedback sa fourth episode ng “It Takes Guts to be a Guttierez” sa E! Channel. Salamat sa lahat ng mga nanood sa Sunday uli.”
Maaalala nating itinanggi muna ni Richard ang anak nila ni Sarah. Ayon sa aktor, hindi muna nila ipinaalam dahil hindi pa napapanahon dahil marahil sa kinasasangkutan na gusot na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang actress na si Sarah at ang GMA Network, na sa huli ay naiayos naman.
Sinikap naman ng mag-asawa na maiuwi sa Pilipinas mula sa Paris si Baby Zion at marahil ito ang tamang panahon upang pag-usapan ng publiko. Congrats, sa mag-asawang Richard at Sarah Labahti sa pagsilang ng cute na cute na si Baby Zion. Nadagdagan naman muli ang mga Gutierez family. Mag artista rin kaya ito paglaki? Naks! Tiyak ang manager nito ay si Tita Anabelle Rama, kaya abangan natin ito mga people.
Nakatitiyak tayo na ang tampuhan ng dalawang kampo dahil sa apo nila parehas ay maaayos. Anyway, ayan ang bunga ng pagmamahal ng bawat nagmamahal na mga granny!
Ito ng larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Para sa mga komento: [email protected]; cp. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia