ON THE WAR path na naman ang butihing ina ng mga Gutierrez na si tita Annabelle Rama.
Natulikap lang namin ang isang balita na diumano, isang talent nito ang may reklamo sa kanya. At ang isyu pa eh, may kinalaman sa child abuse.
Ang isyu kasi, diumano eh, pinagta-trabaho ng butihing manager ang mga ito nang higit sa 40 oras kada linggo, kaya naman napapabayaan na ng mga ito ang kanilang pag-aaral.
Ang nagrereklamo ay ang dati ring artistang si Nadia Montenegro, na nagsumite ng kanyang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Biyernes, para sa kanyang dalawang anak na may edad na kinse at disi-siete.
Isinaad naman diumano nito sa kanyang reklamo na matagal na niyang kaibigan si Tita Annabelle. Kung saan nga lumagda siya ng limang taong kontrata para sa kanyang mga anak sa kanilang trabaho sa telebisyon.
Child abuse at oral defamation ang mga reklamo ni Nadia sa nasabing manager. Diumano, dahil sa pagkakalat nito ng ‘nasty rumors’ sa kanyang mga anak.
Saad pa ni Nadia, tutol naman daw siya na mag-artista ang kanyang mga anak. Kaya nga siya na rin ang lumagda sa mga kontrata ng mga ito with Tita Annabelle. At nu’ng una nga raw eh, para sa tatlong taon lang sana ang nasabing agreement o kontrata. Pero naging limang taon ito.
At ang hindi nga raw nagustuhan ni Nadia eh, ang oras na sumosobra na sa dapat lang na gugulin ng mga bagets sa harap ng kamera dahil nakakasagabal nga sa kanilang pag-aaral. At sumosobra nga raw ‘yun sa ordinansa sa ilalim ng RA (Republic Act) 7610 o mas kilala sa tawag na Anti-Child Abuse Act. Dagdag pa rito ang memorandum din ng Department of Labor na hindi pinahihintulutan ang mga employer – gaya ng mga nasa TV networks at maging sa pelikula na mag-trabaho ang mga bata during school hours.
Ayon kay Nadia, nag-fail si Tita Annabelle na maprotektahan ang interes ng kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa kanila kahit na may mga pasok ang mga ito. At nabahala na raw siya nang magbabaan na ang mga grado ng mga ito. At dagdag pa roon ang nakuha niyang impresyon sa ni-require ng network kung saan sila may trabaho na ‘take it, or leave it’.
Isa pang reklamo ng dating aktres na pinagsusuot daw ng mga ‘mature at sexually suggestive’ na mga damit ang mga ito. At pinag-a-attend ng mga social events ‘to circumstances that were prejudicial to their morals’.
Sabi naman ng dalawang bagets, may pagkakataon na pinagtatrabaho sila mula alas-sais ng umaga hanggang alas-kuwatro ng umaga the next day.
Isa pang sinasabi ni Nadia ay ‘yung kinakausap ni Tita Annabelle ang kanyang mga anak without her knowledge at diumano lumalabas na kinukumbinsi nito ang mga bata na mas bigyan ng prayoridad ang showbiz over their studies. At karugtong naman noon ang pagsasaad din ni Nadia ng tungkol sa mga tsismis diumano na ang nasabing manager mismo ang nagkakalat. Para raw masira ang reputasyon ng mga ito at mawalan ng interes sa mga bata ang istasyon kung saan sila nagtatrabaho.
Sa ganitong kaso, kailangan din sigurong makuha ang panig ng inirereklamo.
Sana, mapag-usapan nilang mabuti ang mga kasunduang silang dalawa ang gumawa at sa panig ng isa’t isa nila makuha ang mga kalinawan.
Siyempre, kung edukasyon ng mga bagets ang maaapektuhan, kahit sinong magulang naman eh, siguradong mag-aalala. At ang mga ganitong klase ng isyu ang dapat na binibigyang-pansin.
May mga nag-aartistang talagang wala nang pakialam sa kanilang pag-aaral. Kaya nga ‘yun ang pinili nila. May mga nag-aartista naman na hindi iwinawaglit ang may kinalaman sa kanilang pag-aaral basta magagawan ito ng tamang schedule at may mga nakakagawa naman nito at nakakatapos pa nga kahit paunti-unti.
Kaya, usap ang kailangan ng mag-family friends naman na sina Nadia at Tita Annabelle.
The Pillar
by Pilar Mateo