OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes, now na! Nakakaloka talaga ang mga chikka at ayaw magpaawat ang awayan nina Annabelle Rama at Chito Alcid. Hindi kinakaya ng powers ko, at lagi kong tinatanong sa sarili ko na bakit ang hilig makipag-away ni Annabelle?
At take note, dapat na talagang ma-ban na si Annabelle sa pagbisita sa mga burol o anuman, kasi ang hilig niyang gumawa ng eksena, na hindi mo lubos na maisip kung sakit na ba ‘yan?
Heto na nga ang chikka na kaya raw pala ginawa ni Annabelle ‘yun eh, dahil prinovoke daw siya ni Chito at sinabihan ng ‘puta’. Nakakaloka naman ang chikkang ‘yun!
Kahit ano pa ang sabihin sa kanya, kung may pinag-aralan naman siya, puwedeng ipagpalipas niya muna ‘yun. At kung alam niya sa sarili niyang hindi totoo, ‘wag na lang niyang pansinin. Nakakaloka naman kasi, talagang agaw-eksena ang lola mo.
Pero nang tanungin ko ang kolumnistang si Chito, ang chinikka lang niya ay every single word, wala siyang sinabing ganu’n. It means, nagsisinungaling itong si Annabelle.
Naloka naman ako sa sagot ni Eric Quizon sa kanyang interview, na kung nabubuhay raw ang tatay niya, tatawanan lang niya ang nangyaring insidenteng ‘yun. Ang pagkakakilala ko kay Tito Dolphy, hindi ma-ngungunsinti ng mga bagay na ganu’n.
Ibang level na rin kasi talaga ang nangyari sa awayan nila. Hindi na naisip ni Annabelle na center of attraction siya. Kaloka, usapan ng lahat ng dyaryo at balita, i-ban na muna siya para matahimik na muna ang pangalan niya. Hahaha! Kaloka to the highest level.
AT ANOTHER chikka naman ito, dahil tuwang-tuwa ako nu’ng anniversary namin sa DZRH last Friday sa may Manila. Siyempre, nais kong pasalamatan si Manila Mayor Alfredo Lim, na talaga namang sinuportahan niya kami sa anniversary namin.
At sobrang saya ng grupo ko dahil naging maganda ang resulta. At take note, sino pa ang guest namin na talagang nakakatuwa? Ito ngang si Gerald Santos, dahil kahit papaano, hanggang ngayon ay nakasuporta sa akin. Isa siya sa mga nanalo at nakilala sa Pinoy Pop Superstar. Nakakatuwa naman, kasi makikita mo talaga sa kanya ang suporta sa akin, at hindi lumaki ang ulo niya. Marami ang natuwa sa kanya at ilang beses namin siyang pinakanta. Kaya sana, mabigyan pa siya ng maraming offer, dahil magaling at mabait na singer si Gerald.
Bongga rina ang Wonder Gays na lagi kong nakakasama sa program ko sa DZRH. Sila ‘yung mga beki na nasa likod ko na sumasayaw ng Blind Item. Nakakatuwa naman kasi sila at hindi nila ako napahindian, dahil nakatulong din sila sa akin sa pagho-host that day.
Bongga talaga ang naging eksena, dahil marami pa rin ngayon ang marunong lumingon sa kapwa nila. Thank you so much and happy anniversary sa DZRH! Pak!
BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong actor na talaga namang ngayon daw ay ubod ng yabang? At take note, hawak daw siya ng pinakamataas ngayon sa isang station. Ang nakakaloka pa rito, mahal daw itong maningil ng talent fee.
Naku, puwede naman siyang magmahal ng TF dahil sikat na naman ito. Pero sana naman, kung may pinagsamahan kayo, ‘di ba, ‘wag na niyang mahalan?
At kung totoo naman ‘yung balita na mayabang na siya, ‘wag naman sana. Kasi ang pagkakakilala ko sa kanya ay hindi ganu’n. Kaloka, ‘teh…
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding