Annabelle Rama, lalong dumarami ang kaaway!

IN SHOWBIZ, perhaps the easiest way to get even with an enemy is to take legal action, the most common of all ay kasong Libel. Ourselves a respondent in at least two libel cases, we acknowledge the right of the plaintiff kung pakiramdam niya’y biktima siya ng paninirang-puri o malicious imputation, still there are courts of law that determine if such violation against the person is committed.

Sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin tungkol sa tunay na insidente sa Paparazzi where her co-host Ruffa Gutierrez claimed to have been treated with disrespect, hindi lang sa kanyang Twitter account bumuwelta ang ina nitong si Annabelle Rama.

Maging sa kanyang transcribed interview sa Startalk TX (in a separate instance sa kanya namang kinakaharap na kaso with Nadia Montenegro) ay nabanggit nito ang hamon kay Cristy should the latter wish for a second bout ng kasong Libel na isinampa niya rito several years ago.

It is saddening that there are people who resort to Libel threats to silence us, journalists, na tumutupad lang sa aming tungkulin na maghatid ng balita at magbigay ng opinyon base sa aming paniniwala. Annabelle — in her tweet — has urged Cristy to shut her mouth.

As far as we know, a mouth functions if it has anything to say. At sa kaso ni Cristy who uses her typing hands more than her speaking mouth, meron siyang isyung dapat linawin, and she owes it to the public.

With Annabelle’s multi-tasking activities from sun up to sun down, saan pa kaya niya maisisingit ang karagdagang  time-consuming, nerve-wracking, fund-depleting at wrinkle-producing na pagdedemandang ito — hindi lang laban uli kay Cristy kundi practically against a major population of the entertainment press, aber?

WITH A slot vacated by Ruffa in Paparazzi, like the real-life heiress (in the realty business) that she is ay si Divine Lee rin kaya ang magmana ng tronong ito?

Ang kaibigang Cristy Fermin na mismo ang sumagot sa aming tanong, “Anak, meron nang pag-uusap pero wala pang finality.”

Divine is not exactly a virtually new face that has graced Philippine TV. This Economics graduate from Ateneo was tapped to co-host TV5’s now-defunct Extreme Makeover with Paolo Bediones. Hindi rin “alien” kumbaga kay Divine ang concept ng show, with the underlying objective to make any dreamy-eyed Pinoy realize his goal na magkaroon ng sariling tahanan.

Divine’s father Mr. Delfin Lee is into realty and construction business, who owns St. Monique Valais in Binangonan, Rizal — among others — kung saan may munting bahay ang inyong lingkod.

But what is an heiress doing in showbiz? For four months now, masayang nakiki-jam si Divine sa riot na tropa ng Juicy. As this issue comes out, hindi kami magtataka if Divine spills over to a greater challenge as far as showbiz hosting is concerned, where else but in Paparazzi?

Why not? Divine has the looks, the height, the talent, the passion and the right attitude na dapat ipagmakaingay as opposed to ibi-nubulong.

MGA KUWENTO ng nasirang pagkakaibigan ang paksa sa mga magkasunod na araw ng Face To Face. Ngayong Miyerkules, naaktuhan ni Andy ang kanyang kumpareng si James na kalaplapan ang kanyang dyowang si Madel sa episode na Huli Sa Akto Ni Best Friend Ang Aking Kinakasama… Umaatikabong Romansahan Kay Kabit Sa Puno Ng Mangga! Bale ba, ang pag-aming ito nina James at Madel ay ipinagputok ng butse ni Joyce, live-in partner ni James; at ni Bernardo na kinakasama naman ni Madel.

Samantala, umabot pati sa girian ang mga nanay ng magbespren na sina Leo alyas Leah at Andrea nang ‘di na masawata ang bangayan ng dalawang hitad na nag-aagawan sa kapirasong “karne” ni Albert. Ikinaloka ni Tyang Amy Perez ang umano’y misyon daw ni Albert na mapasakamay (o mapasadila?) niya ang hiyas ni Andrea, kaya maging ang bunsong kapatid nitong si Aira ay dinagit din ng maelyang lalaki, sa episode na Beking Malas Galit Kay Best Friend Na Ahas Na Kapatid Din Pala, Sa Dyowa Nila Nagpapahimas! Na matutunghayan naman bukas.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSasakalin
Next articlePaolo Avelino, tinatanaw pa rin ang utang na loob sa Siyete

No posts to display