OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman… kaya go!
Over my dead body! Kasi nga naman, nag-trending daw sa twitter ang sinulat ko kay Ruffa Gutierrez, ‘yung tungkol sa pambabastos daw sa kanya ng Paparazzi, at sinabi niyang basura ang kanilang show.
Bilang mamamahayag, nag-comment ako sa nasabing issue. Ayun, kinabukasan, nabasa ng mahadera niyang ina na tumandang artista pero walang pinagkatandaan. Kasi hindi siya nirerespeto sa showbiz, kundi kinatatakutan. Wala kasing ibang panakot ang gurang na ito kundi ang magdemanda.
Ang nakakaloka pa, sa Cebu raw siya magdedemanda, at nagdemanda na yata kina Amalia Fuentes, Nadia Montenegro at Chito Alcid. Kasi raw, wala na siyang tiwala sa hustisya rito sa Maynila.
Ang hindi ko matanggap sa mga tweet niya patungkol sa akin, ang sinabi niyang matagal na raw akong patay. ‘Di bale na ‘yung sinabi niyang mukha na akong bangkay, matatanggap ko pa, ‘wag lang mukhang demonyita na katulad niya. Lahat na lang, inaaway niya. Kahit si Ogie Diaz, sinabihan niya ng ‘gago’.
Ito lang po ang masasabi ko sa kanya, kailan man, hindi ako puwedeng diktahan ng sino man. At hindi ako bayarang reporter, dahil marami pa rin akong pinagkakakitaan nang ligal na hanap-buhay. At hindi ko kaibigan ‘yung sinasabi niyang babaeng dapat, kung hindi dahil sa kanila, nabulok na sa kulungan, na sana raw balang araw, magsama kami sa kulungan.
Ikaw matandang walang pinagkatandaan, sinabi mo pa na walang nakikinig sa akin sa program ko sa DZRH. For your information and guidance, 45 years na ako sa broadcast industry, alive and kicking pa rin. Walang pahinga ‘yan. Kung walang nakikinig sa akin, matagal na akong tinanggal sa program ko. Negosyo ‘yan, ‘day, walang palakasan diyan. ‘Pag hindi na kumikita ang programa, tsugi ka, tulad ng mga alaga mo.
Sino ang nagtagal nang ganito katagal, tulad ko? At wala na akong balak bumalik pa sa TV talkshow, na sinasabi mong nagpaparinig ako sa tatlong network. Yes, kung tutuusin may karapatan ako, dahil marami akong alam, kasi accredited ako ng KBP. Ang mga anak mo ba, may alam ‘yan sa broadcasting? Wala! Naging artista lang ang mga ‘yan, at oo, hindi bagay mag-host ang mga artistang tulad ng mga anak mo. Kasi para sa akin, wala silang know how.
Anyway, kausap ko na ang National Press Club, lalo na si Jerry Yap, na ginawan mo rin ng kabalbalan sa telepono. Wala ka kasing manner, ang lakas ng loob mong kumandidatong congresswoman sa Cebu. ‘Day, ang asawa ko, taga-Cebu at nandoon kami this July, para sa sabihin ko sa isang programa ko sa radio roon ang kawalang-hiyaang pinaggagawa mo.
Para sabihin ko rin sa ‘yo, marami pa akong pinagkakaabalahan, kahit sinasabi mong patay na at bangkay na. ‘Day, may program ako sa Pinoy Radio UK, sa DWSS, sa DZRH.TV – ang kauna-unahang radio sa Pilipinas, at dito sa Pinoy Parazzi, exclusive ako dito.
Kaya bago ka manghusga, kilalanin mo muna ang mga pinagsasabihan mo. Isa kang bulaan. Sinasabi mo pang bahala na ang Diyos? Please, ‘wag mong gamitin ang Diyos sa mga ginagawa mong kamalasaduhan. Ano ang sinasabi mong magsama-sama tayo sa Cebu? Bakit, ano ang mali sa mga sinasabi ko? Sa 45 years ko sa industry, ikaw lang ang tanging magdedemanda sa akin.
Hindi ko pinangalanan ang babaeng ito, kasi hindi rin niya ako tinukoy roon sa tweet niya. Pero ang daming tumawag sa akin na mga kasamahan sa hanap-buhay na ako ang tinutukoy niya. Kaya ko sinagot ito, para ipaalam ko sa kanya na, “Hoy! Buhay na buhay pa ako! Sana ikaw ang mawala sa industriya para wala nang alinlangan ang mga katulad namin na ang hangad lang sa aming mga listener at mga nagbabasa ng aming mga column ay magpasaya at magpaligaya.”
Sa tinagal-tagal, ngayon lang ako nagsulat nang ganito. Kasi, hindi ko matiis na buhay pa ako, pinapatay na ng matandang ito. Ang masasabi ko lang sa kanya, oo, buhay pa nga siya, pero sinusunog na sa impiyerno ang kaluluwa niya. In Jesus name, sana matauhan ka na! ‘Yun lang.
BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong maloloka ka talaga sa Earth?! Nakawiwindang kasi ang eksena. Kaya pala maraming naguguwapuhan dito kay hunk actor eh, dahil very effect ang peg niya na yummy hunk, at mukhang malinis naman sa katawan.
Kaya lang, one time, natuklasan ng aming kaparazzi na nang maghubad ng shoes, wild ‘teh sa joho ang paa niya. Hindi kinaya ng mga kaparazzi natin ang amoy, kaya natawa na lang sila at parang nandiri. Hindi nila inakala na sa sobrang parang ang linis sa katawan eh, may something-something pala na itinatago ito.
Talagang mandidiri ka, ‘teh. Hahaha! Ewwwness talaga! Sayang, type ko pa naman siyang basain… hahaha!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding