IT CAN now be told: Anne Curtis is the new Dyesebel! Matapos ang mahaba-habang guessing game ay lumutang na rin sa wakas mula sa malalim na pagkakasisid ang pangalan ni Anne na siyang napisil para magbigay-buhay sa iconic character na ilang dekada nang nagpasaya at nagpakilig sa mga manonood.
Marami nang mga aktres ang gumanap bilang Dyesebel kabilang sina Edna Luna, Gov. Vilma Santos, Alma Moreno, Alice Dixson, Charlene Gonzales, at Marian Rivera.
After ABS-CBN aired its teaser trailer for the remake of Dyesebel last November 2013 ay iba’t ibang pangalan na ang naglabasan bilang matunog na gaganap sa role ng isang sirena. Kabilang dito sina Kim Chiu, KC Concepcion, Erich Gonzalez, Julia Montes, Julia Barretto, Kristine Hermosa, Angel Locsin, at Shaina Magdayao. Nauna nang dinenay sa Twitter ni Kim noong December 31 that she will be playing Dyesebel samantalang nag-tweet naman si KC last January 8 na hindi siya ang bagong Dyesebel and she will be studying abroad.
Para tuldukan na ang matagal na paghihintay ay in-announce na ng ABS-CBN sa isang presscon noong January 9 na si Anne ang gaganap bilang bagong Dyesebel. Anne was emotional during the presscon. “Siguro sa lahat ng taong naniniwala na kaya kong i-portray si Dyesebel, maraming-maraming salamat for keeping that kind of faith in me, na hindi nakalilimot dahil lang sa isang hindi magandang bagay [na] nangyari. Thank you and first time kong humarap sa ganito karaming press after everything [that happened]. Maraming-maraming salamat. Dyesebel is part of Philippine history and I’m happy [that] I’m part of it.”
Matapos malaman ng lahat ang balita ay lumabas sa mga social networking sites ang iba’t ibang opinyon tungkol sa pagkakapili kay Anne bilang Dyesebel. As expected, maraming natuwa at mayroon din namang nagpahayag ng kanilang mga negatibong opinyon.
Nag-trending din ang mga hashtag na ‘Dyesebel’ at ‘Anne Curtis is Dyesebel’ sa Twitter.
Dahil umani ng sari-saring reaksyon mula sa publiko, tila isa itong pahiwatig na tiyak na pag-uusapan at aabangan ang muling paglangoy ni Dyesebel.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda