NAKAUSAP NAMIN SA wake ng Mommy Lydia ni Direk Wenn V. Deramas ang direktor na si GB Sampedro. At nabanggit nga nito na this week eh, tutungo siya at ang mga artista niya sa Astig, minus Sid Lucero para dumalo sa Pusan Film Festival in Korea kung saan magko-compete nga ang nag-iisang entry ng ating bansa roon.
Kabado nga raw si Direk GB pero excited din at the same time dahil nga sa pagkakapili sa Astig para lumaban doon.
Tinanong din namin si Direk GB kung meron na siyang proyektong sisimulan. At gusto rin naman daw niyang makagawa ng isang pelikulang pang-mainstream. Kumbaga, naging entry point niya ang Astig na isang Indie Film para sa mga susunod pa niyang hahabiin sa mga darating na araw.
Pero ang hindi nga raw niya mabibitiwan ay ang paggawa ng commercials, music videos, pati na ang pagdidirihe ng mga concerts. Kung muli raw siyang gagawa ng pelikula, ang gusto niya eh, light romantic-comedy. And the likes of Kim Chiu and Gerald Anderson at iba pang mga baguhan ang gusto niyang makatrabaho.
Tinanong din namin si Direk GB kung wala ba siyang plano’ng gawan ng pelikula ang bago niyang inspirasyon sa buhay in the person of comedienne Candy Pangilinan?
Kung meron daw siyang makikitang magandang istorya na bagay kay Candy, eh, why not?
NAPUNO MAN NG iyakan ay nahaluan din ng tawanan ang mass na ibinigay para sa yumaong orihinal na tanging ina ni Direk Wenn na si Mommy Lydia, inaliw ni Direk ang pairs na dumamay sa kanya sa pamimighati niya.
Noong Sabado, naaksidente si Sam Milby habang patungo siya sa lamay ng Mommy ni Direk Wenn. Kaya noong Linggo na siya nakadalaw and guess what, ang dumamay kay Sam nang maaksidente siya na si Anne Curtis ang kasama niya sa wake ng Mommy Lydia ni Direk Wenn.
Nabanggit na namin ang Candy-GB pair. Mas maaga lang na umalis sina Shaina Magdayao at John Prats. At kasama na naiwan nina Candy at GB sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano at Meryll Soriano at Joem Bascon.
Mga kung anik-anik na kuwento ang nai-share ni Direk Wenn-lalo na ang mga eksenang nasaksihan na niya sa tunay na buhay sa mga burol. Na para lang may isang aktres siyang matulungan para maibulalas ang hinanakit, eh, siya niyang ginamit na eksena sa isang soap na ginagawa niya that time.
Ewan kung paanong napadpad sa kuwentuhan at may nabanggit si Toni na ngayon lang daw niya nalaman na ‘pag nangangarag pala ang pusa, eh, tumatayong lahat ang balahibo nito. Sabi ni Candy, kaya nga gano’n ang drawing ng mga pusa sa mga cartoons na parang nakukuryente.
Kung anu-ano pang mga kuwento ang naglabasan at sa isang bagay na pinagkatuwaan ang grupo, ang hindi naka-relate, eh, sina Ann at Sam. Kaya nang magtanong si Candy kung sino ang tanga, buong ningning na sumagot si Direk ng “It’s a tie!”
The Pillar
by Pilar Mateo