ANNEstoppable talaga ang nag-iisang Anne Curtis!
Kung last year ay tatlong box-office films na iba’t ibang genre ang kanyang kinarir with the romance-drama Sid and Aya, action-packed thriller Buy Bust at horror flick na Aurora, Anne Curtis is set to make us fall in love again with ‘Just a Stranger‘.
This time, she will be paired with a younger leading man sa katauhan ng pinapasikat na hunk actor ng Viva na si Marco Gumabao.
Nagkasama na sina Anne at Marco sa Aurora, pero sa bagong movie nila ay talagang sa love angle magfo-focus ang istorya. Helmed by box-office director Jason Paul Laxamana, sure kami na hindi basta-basta ang kuwento ng upcoming movie.
Nagpost na ng teasers sina Anne, Marco at Direk Jason Paul sa kanilang social media kaya naman lalong na-excite ang mga fans. Ang balita ay next month na uumpisahan ang shoot ng pelikula. Sila na kaya ang pamalit ng Viva sa tambalan nina Bela Padilla at JC Santos na for two consecutive years ay top-grosser ng Pista ng Pelikulang Pilipino? Abangan!