MAY movie projects na gagawin sa Vivamax ang It’s Showtime host na si Anne Curtis at ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Ibinalita ito ni Vincent del Rosario, ang president at COO ng Viva Communications sa ginanap na digital conference ng Vivamax kamakailan lang.
“Si Sarah naman did a content hindi nga lang sa feature or series, ginawa niya ‘yung Tala (concert), that was her contribution to Vivamax outside of the fact na siya yung brand ambassador ng Vivamaxxed. Si tita June (Rufino) consolidating materials to be pitched to Sarah so were hoping that sa movies makapag-start na siya ng production.
“Doon naman sa case ni Anne, she agreed to do an Erik Matti series (and) wala lang sa reel kasi ‘yung reel kanina is for bottom up for 2021,” kuwento ni Vincent sa showbiz press.
Isang horror series daw ang gagawin ni Anne kay Direk Erik na naging direktor ng aktres sa pelikulang Buy Bust.
“Si Erik ang magdidirek at si Dondon (Monteverde) ang line producer at sa January 2022 na. Natagalan ito kasi si Anne is having a baby kaya iwas muna sa labas-labas but she promise to get this on by January or February,” dagdag pa ng Viva boss.
Sinagot din ni Vincent ang tanong kung ilang pelikula ang target nilang gawin ngayong 2021 at kung karamihan ba dito ay puro sexy movies lang dahil kapansing-pansing ito ang malakas sa Vivamax.
Aniya, “The commitment is to release one content a week na original. Can be two end of the year. Yung sexy don maybe more than 20%. At least 50 in 12 months.”
Sinisiguro naman ng Vivamax na kahit hindi sakot ng MTRCB ang streaming platform ay nananatili silang careful sa paggawa ng mga content.
“Mas may creative freedom ka na gumawa ng films that gustong gumawa series or any content. Careful pa rin kami,” lahad niya.