AYAW NANG palakihin pa ni Anne Curtis ang isyu tungkol sa kanyang ‘provocative’ outfit sa ASAP 18 ng ABS-CBN last Sunday, kung saan sa kanyang birthday production number ay very sexy ang kanyang gown na hanggang baywang ang slit giving the illusions na wala siyang suot na underwear habang may shower effect sa stage.
In abouth a month ago, isang sexy production number din ang naging sentro ng kontrobersiya nang may maselang sayaw sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Sunday Variety show naman ng GMA na Party Pilipinas.
Sa ulat ni Marie Lozano ng ABS-CBN news, deadma lang daw si Anne sa naging negative comments ng mga tao tungkol sa kanyang suot sa Rihanna’s inspired production number. Kuwento pa niya, “Natatawa na lang [ako], but I guess people talking about it makes it a good thing. Okay lang sa ‘kin ‘yun. Negative or positive comments, they’re always welcome. You just [have to] learn the art of deadma, and you accept what other people have to say.”
Paliwanag pa ni Anne, ang kanyang suot na gown na may high-slit designed by Boom Sason ay dinisenyo para maghatid ng ‘ilusyon’ sa mga manonood.
Aniya, “Boom of course knows what I was wearing, and that’s actually what our theme was, eh. Because when I said I was going to get wet, kailangan may hidden tan na swimsuit because it has to have that illusion na high slit, so na-achieve naman namin. At least the illusion worked, ‘di ba?”
May suot daw siyang ‘bodysuit’ tanga na mataas talaga ang cut pataas kaya ‘pag tiningnan mo ay parang walang suot na underwear si Anne. Kahapon din, sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Anne ang kanyang suot na may dalawang bahagi, na nagpapatunay na may suot siyang panloob sa gown kaya hindi totoong wala siyang underwear.
Pahayag pa ni Anne, natuto na siya sa mga ganoong klaseng pananamit sa mga production number after ng kanyang ‘wardrobe malfunction’ noong March 2010 sa ASAP din.
Tungkol naman sa diumano’y pango-ngopya niya ng mga performance ng mga international artists, natatawa lang siya dito dahil unang-una raw ay ina-acknowledge niya kung kanino siya nai-inspire sa mga bawat gagawin niyang performance.
Pahayag niya, “It’s never been an issue for me, because I never hid it. I never say this was my idea. I always announce it’s inspired by Rihanna, by Beyonce, kasi gusto ko ring kayanin ko ‘yun.
“I don’t think there’s anything wrong if you get inspiration from other people. Kung pang-Hollywood ‘yan, kaya rin ‘yan ng mga Pinoy ‘yan ‘no. You should have that mentality – hindi lang ‘yan pang-Hollywood, kaya rin natin ‘yan.”
Nilinaw naman ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na wala pang parusa o sanction na iginawad ang kanilang ahensiya laban sa ASAP 18 ng ABS-CBN alinsunod na controversial ‘shower/rain scene’ sa birthday production number ni Anne Curtis last Sunday sa nasabing show na tinagurian naman nilang ‘provocative’ base na rin sa outfit na suot nito.
Ito ay ayon sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN news last February 27, sa Chairman ng MTRCB na si Atty. Eugenio ‘Toto” Villareal.
Sinabi ni Chairman Villareal na ang ‘gender sensitivity conference’ na kani-lang ipinatawag sa March 5 ay ang magde-determina sa anumang posibleng kaparusahan kasunod ng controversial production number ni Anne.
Lahad pa ni Atty. Villareal, “Ayokong pangunahan ang ating ad hoc committee na magko-convene sa March 5. Doon makikipagtalastasan sila – ‘yung ABS-CBN at ang aming panel at doon pag-uusapan. Mula roon, dapat lahat tayo bukas sa ano mang posibilidad.”
Dagdag pa ni Chairman, na ang sinasabing reklamo ay alinsunod na din sa memorandum of understanding ng ahensiya at mga lokal na istasyon ng telebisyon ‘on depicting women in TV and films.’
Ang sinasabing meeting ay upang magkaroon ng pagpapaliwanagan, madinig ang bawat panig at ito ay isasagawa sa paraang patas sa lahat.
Hangad din ni Chairman na magkakaroon ng “deve-lopmental solution” na resulta ang conference sa March 5 upang matugunan ang issue.
Sure na ‘to
By Arniel Serato