PINATUNAYAN NI Anne Curtis na hindi lang sa ‘Pinas siya dapat kilalaning concert artist dahil maging sa abroad ay naging successful ang Annebisyosa, No Other Concert World Tour na ginanap naman sa Pechanga Theater in California last month.
Sa naturang venue, pinagkaguluhan ng mga Fil-Am ang kanyang boses, hitsura ng mga sikat na international singer. Take note, dalawang beses kinabaliwan ang kanyang tinig ng mga Puti at mga Pinoy na naka-base na sa California.
Si Anne daw ang unang Pinoy na nakapuno ng nasabing venue na pareho ng presyo ng ticket kapag nagpe-perform doon ang mga sikat na Hollywood singer na sina Kelly Clarkson, Daughtry at Cyndi Lauper.
Nasabi tuloy ng Mestisang sexy actress na hindi nagbabago ang kagandahan at hugis ng katawan: “This is another dream come true for me. I thank all of you from the buttom of my heart for taking time out from your busy schedule to spend some time with me.”
Naitsika pa sa amin na maraming Fil-Am ang nabaliw raw sa version ni Anne nang kantahin nito ang Someone Like You at Alone.
Hindi na kailangan naming uraritin kung bakit nabaliw ang mga kababayan natin sa California sa paghirit ng kanta ni Anne. ‘Di ba, my dear editor?
NANG MALAMAN ni Lovi Poe na si Cesar Montano ang makakasama niya sa bagong serye ng GMA-7, ang Akin Pa Rin Ang Bukas, kumabog daw ang dibdib ng actress. Lalo nang una silang magkita para sa photo-shoot ay hindi lang kabog ng dibdib, nangatog pa raw ang tuhod niya nang masilayan nang malapitan ang actor.
Katuwiran ni Lovi, ‘di raw kasi siya makapaniwala na ang dating pinapanood niyang actor noon na si Cesar ay makakasama at makakatambal pa sa isang projekto.
Fan kasi si Lovi ni Cesar pagdating sa galing umarte ng actor. Kahit na anong role daw kasi ang i-portray ni Cesar ay nagagampanan daw nito nang buong husay.
Gusto sana ni Lovi na sumalang muna sila ni Cesar sa isang workshop para raw mawala ang pagkailang niya sa actor. Pero tila malabong mangyari dahil may ginagawa pa sa kasalukuyan ang sexy actress sa GMA News TV, ang Titser.
Kaya ang mangyayari, dedepende na lang daw si Lovi sa kanyang sariling kakayahan sa acting at lakas ng loob sa unang sabak nila sa aktingan ni Cesar.
Sa tanong naman baka ma-link din siya sa controversial actor dahil lahat ng nakakasama sa trabaho ng actor ay nali-link dito, sabi naman ni Lovi na titiyakin niyang hindi sila magiging controversial figure ni Cesar dahil wala naman daw siyang history na naging totoo sa tunay na buhay ang team-up niya sa nagiging leading man.
Saka mula raw nang pasukin niya ang showbiz, napag-aralan na niya na hindi dapat lagyan ng kulay ang pakikipagtrabaho niya sa mga nakakasama sa project.
Samantalang pinayagan na rin si Lovi ng kanyang mother dear na magsarili ng tirahan dahil nasa hustong edad na ang actress at malaki ang tiwala sa kanya ng magulang na hindi gagawa ng ikasisira ng kanilang pangalan.
INAMIN NI Daniel Padilla na parang magic ang nangyayari ngayon sa kanya. Parang fairy tale daw ang dating sa teenager na mahiyain at ngayon ay isa nang artista sa tulong na rin ng kanyang mahal na ina na si Karla Estrada.
At his early age, nabansagan na siyang hottest young actor kaya naman alagang-alaga siya ng ABS-CBN sa pagbibigay ng project kasama ang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.
Sa bago nilang seryeng Got To Believe ay si Direk Cathy Garcia Molina ang magdidirek na siyang blockbuster movie director nina John Lloyd Cruz-Bea Alonzo at John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo loveteam.
Kaya inaasahan na higit na magniningning ang Kathryn-Daniel loveteam sa mga susunod na taon.
Inamin naman ni Daniel habang ginagawa nila ang serye, hindi nawawala ang tunay niya damdamin kay Kathryn.
“Yun ang magic doon. ‘Yung personal feelings. Kapag wala ‘yun, nagpaplastikan lang tayo. Pero kung ‘yun ang ginagamit, ‘yung personal feelings, okey tayong lahat,” katuwiran ni Daniel.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo