Anne Curtis, guilty sa pagsisinungaling!

AYAW NA naming mag-angat pa ng bangko at ipagmalaking

tama kami sa aming scoop na kaya umalis for one month si Anne Curtis sa Showtime ay dahil siya ay gagawa ng isang full-length Hollywood movie at saka lumabas ang balitang ang title nito ay Blood Ransom na inilabas ng pep.ph.

Nu’ng una, si Anne Curtis sa twitter ay sinabihan kaming “Mali po kayo!” kaya na-at stake ang credibility namin for a while (kung meron, ha?). Eh, dahil nakuwestiyon kami, kaya ‘yung tweet na ‘yon ni Anne ay dinugtungan namin ng, “Sige, let’s just wait and see. ‘Pag mali ang source ko, magso-sorry ako. Pero paano kung tama?

Oo, not even a single word “sorry” ay hindi namutawi kahit sa tweet ni Anne. Ayos lang ‘yon. At least, alam na ngayon ng mga tao kung sino ang nagsasabi ng totoo sa amin at kung sino ang echoserang frog.

Yes, I am an echoserang frog but for good reasons! So there!” Sinundan niya uli ito ng tweet para sagutin ang isang twitter follower (si @OlivinaRose) ng, “Just so you know I did and so did he (kami ‘yon) for spilling the beans too early! ‘Wag ka na kontrabulate (si Olive)! Ang saya-saya ng life!

Yes, Anne, I spilled the beans. Reporter ako, eh. ‘Di ba, ang reporter naman, ‘pag nakakuha ng first-hand info, iiiskup niya? ‘Yan ang ginawa ko. Masama ba ‘yung balitang itsinika ko sa mga fans mo? Positive naman ‘yon sa ‘yo, ‘di ba?

Kasalanan namin, dahil inuna-han ka namin? At sasabihin mong mali kami?

Ngayon, ipino-promote mo na sa twitter mo ang Blood Ransom. So, paano na ngayon ‘yan? So tama pala kami, hindi ba? Pero sinabihan mo kaming mali ang balita namin?

Ang ilan mong fans, sinisisi kami, dahil confidential daw ‘yon, ba’t inilabas namin? Kami pa sinisi, pero sila ‘tong tuwang-tuwa nu’ng malaman nilang magkakaroon ka ng Hollywood movie.

Again, gusto naming intindihin na kung minsan, ang ibang fans, kahit pa mali ang ginagawa o sinasabi ng idol nila, kakampihan nila ang idol nila. Kaya nga idol, eh.

NO, HINDI kami galit kay Anne. Sinabi nga namin sa kanya sa direct message na ‘wag na niyang intindihin ‘yon at magtrabaho lang siya. Sinabi pa namin na nag-usap na kami ng kanyang manager.

At kami ay happy for her. At ever since, hindi binabago ng panahon ang pagiging ma-PR niya kahit sikat na sikat na siya.

Medyo na-off lang kami na ngayong ipino-promote na niya ang kanyang Hollywood movie ay hindi man lang siya nag-sorry.

Baka nga big deal kay Anne ang mag-sorry.

Kami, sige, magsosori kami dahil naunahan namin ang dapat sana’y “stricly confidential”. Pasensiya na, dahil kahit naman sinong reporter, Anne Curtis ‘yan, hindi basta-basta artista ‘yan. Scoop ‘yan.

Pero ngayong tama pala kami at “nakuryente” si Anne ng sarili niyang statement na “mali po kayo”?

Okay na ba kay Anne na bansagan siyang “Echoserang Frog” kesa mag-sorry? Nako, pa’no ‘pag nagsalita siya next time at makarinig siya ng, “echoserang frog ‘yang si Anne”, I’m sure, hindi niya gusto ‘yon.

ANG MASTURBATION ay normal lang sa mga kalalakihan, lalo na sa mga kabataan. Pero nalokah kami nu’ng caught on cam ang isang PBB Teen Housemate na si Alec Dungo na nagbabatibot habang nakakumot.

You wanna watch it? Baka kasi mali kami, eh. Kayo na ang humusga. Baka kasi nagkakamot lang ang bagets. Here’s the link: http://pinoytrendingvideos.blogspot.com/2012/06/pbb-teens-4-housemate-alec-dungo-caught.html

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleSa pagkakamabutihan daw nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz Derek Ramsay, magsasalita na!
Next articleSuicide sa Lebanon

No posts to display