MULING pinatunayan ni Anne Curtis na siya ang nag-iisang dyosa.
Kahit na halos dalawang taon ito hindi aktibo sa showbiz (sa Australia ito nanganak at namalagi at nadatnan ng Covid-19 pandemic) ay nananatili ito sa puso ng kanyang mga fans and followers.
Si Anne Curtis lang naman ang kauna-unahang Pinoy na nakaabot ng 14 million followers (and still counting!) sa social media website/app Twitter.
“Thank you My Tweethearts!!!” sinulat ni Anne sa kanyang Twitter post kung saan niretweet niya ang post ng kanyang fANNatics Fan Club na nagkukumpirma na tanging si Anne Curtis lang ang nakaabot ng 14 million follower count sa sikat na social media site.
Twelve years na rin miyembro ng Twitter si Anne. Nag-sign up ito noong March 2009. Ang Twitter ang ginagamit niya para magpromote ng kanyang projects, magpaka-fangirl sa mga paborito niyang K-Drama stars at pakikipag-chat sa kanyang mga fans. Paminsan-minsan ay nagbabahagi rin ito ng mga ganap niya sa personal na buhay.
Ginagamit din ni Anne Curtis ang kanyang platform para sa good causes tulad ng pagiging vocal nito sa children’s welfare, lowering the age of criminal responsibility, SOGIE Bill, at marami pang iba.
Pasok din si Anne Curtis sa Forbes Asia’s list of Top 100 Digital Stars in Asia noong December 2020—may16.4 million followers sa Instagram at 18.4 million followers naman sa Facebook as of today. Unkaboggable talaga si Dyosang si Anne, huh!