SABI NILA sa showbiz, walang magkapatid na parehong sumisikat sa mundo na kanilang pinapasok. Noong panahon nina Wiliam at Albert Martinez, ‘di hamak na mas sikat si William. Kina Rommel Padilla, Rustom Padilla (aka BB.Gandanghari) at Robin Padilla, si Robin ang umangat sa showbiz.
Sa kaso nina Anne Curtis at ang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith, ‘di hamak na milya-milya ang layo ng popularidad ng ate kaysa kay Jasmine na sinasabing palaging pumapangalawa lang at hindi makaalagwa sa showbiz dahil nasa anino lang siya palagi ng kanyang ate. Pero if we talk about acting at galing sa kani-kanilang craft, ‘di hamak na mas magaling si Jasmine kaysa kay Anne after watching Dementia.
Si Anne kasi “puki-puki” ang mga pelikulang ginagawa na kung minsan, walang katinuan. Ang nakababatang kapatid, ‘di hamak na milya-milya ang napatunayan sa larangan ng pag-arte sa mga nauna niyang mga pelikula tulad ng Puti at Transit aside from the latest flick kung saan she portrays the role of Rachel na pamangkin ni Nora.
If given the right exposure at kasing tindi ang drumbeating tulad sa ginawa kay Anne sa simula para maging “star”, malamang lalamunin ni Jasmine ang Ate Anne niya when it comes to acting.
Reyted K
By RK VillaCorta