Anne Curtis, nag-level up ng kanyang acting sa ‘Aurora’

Anne Curtis

TINUPAD ni Anne Curtis ang pangako niya na hindi siya sisigaw at titili sa MMFF 2018 official entry movie niya na Aurora na produced ng Viva Films at Aluid Entertainmement.

Yes, subdued ang acting ni Anne sa pelikula na mula umpisa hanggang katapusan, napansin ko nga na tinupad niya ang kanyang pangako na walang the ”typical” Anne Curtis acting sa mga horror movies niya in the past na sisigaw siya to high heavens para iparamdam na takot siya.

In last night’s preem, Wednesday, December 19 ay bongga ang kaganapan dahil sa dalawang location isinagawa ang preem ng pelikula.

Una, sa Ayala Malls The 30th malapit sa dating ULTRA sa Pasig at ang pangalawa ay isinagawa sa SM Megamall Cinema 1.

Lagare nga si Anne kagabi na medyo na-delay pa ang screening sa Megamall dahil kahit malapit lang ang first location ng unang preem sa Megamall ay magdurusa ka naman sa traffic.

Sa unang screening na dinaluhan niya, ang asawang si Erwan Heussaff ang kasama niya.

Erwan Heussaff

While sa 2nd screening sa Megamall, ang kapartner na si Marco Gumabao ang escort ni Leana, ang karakter niya na may-ari ng isang luma na lodging house sa tabing dagat kung saan sa tapat at di kalayuan ay doon lumubog ang malaking pampasaherong barko nang mabanga sa malalaking bato kung saan dito nagsimula ang kuwento ng pelikulang Aurora na dinirek ng kilalang horror movie director na si Yam Laranas.

May promise ang acting ni Anne para mapansin ng mga judges at mapabilang siya sa magiging nominado sa Best Actress category na magaganap sa December 27.

Direk Yam Laranas and Anne Curtis

Sa Aurora, pinatunayan ni Anne na hindi niya kailangan magsisigaw at magtitili sa takot para ipakita at iparamdam ang tensyon sa mga eksena niya sa pelikula kung saan hindi lang isang multo ang nagparamdam sa kanya.

Imagine, seeing many ghosts in one scene at kakabukin ka sa takot at tension. Kng mahilig ka sa mga horror movies, ito marahil ang pelikula para sayo ngayong filmfest.

 I’m sure, patok ito sa mga barkada at mga bata na gusto ng mga pelikulang katakutan. Marco plays boyfriend of Anne na tumulong sa paghahanap niya ng mga bangkay.

Kasama din sa pelikula sina Allan Paule at Andrea del Rosario.

FYI: 10 years ago ay si Anne din ang nagwagi as Best Actress sa MMFF via the film Baler na si Jericho Rosales naman ang kanyang leading man.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleMAS BUMONGGA ANG KARIR: Marco Gumabao, hindi nagsisisi sa paglipat sa Viva
Next articleRONNIE ALONTE AND LOISA ANDALIO: Fantastic Love, Baby!

No posts to display