Anne Curtis, nag-move on na raw sa kontrobersyal na issue

Anne-CurtisSA KABILA ng sangkot ang dating kasintahan na si John Lloyd Cruz at ang kaibigan na si Anne Curtis sa insidente ng sampalan sa Prive Luxury Club ilang linggo na ang nakalilipas, kung saan sinampal ng aktres sina John Lloyd Cruz, Phoemela Barranda, JR Isaac at isang taga-Globe, iwas magbigay ng anumang komento tungkol dito ang stylist na si Liz Uy.

Ayon kay Liz, hindi niya ito business at ang importante ay naayos na kung anuman ang naging problema sa lahat ng sangkot. Aminadong nagsabi sa kanya si Anne, pero sa kanila na lang ito at hindi niya maaaring sabihin kahit na kanino lalo’t sensitibo ang nasabing issue.

Anne-CurtisKamakailan naman, binasag na rin kahit papaano ni Anne ang kanyang pananhimik tungkol sa isyu, kung saan na-interview ito ng ilang press people sa set ng It’s Showtime.

Ayon sa aktres, magtatapos ang taon niya with a bang. Pero sa kabila nito ay tintingnan niya ang 2013 na isang magandang taon para sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersiya.

Moving on ang deskripsyon ng aktres sa kung nasaang estado siya ngayon at positibo siya na magiging mas magandang taon ang 2014 para sa kanya.

SA THANKSGIVING for the press cum presscon ng Shoot To Kill, Boy Golden, ‘di itinago ni Gov. ER Ejercito ang hinaing niya sa ‘di patas na hatian ng bilang mga sinehan ng pagpapalabasan ng mga MMFF entrie,s kung saan ang mga malalaking pelikula ay binigyan ng 100 sinehan, samantalang ang mga tulad ng mga pelikula nila ay mapanonood na lang sa mahigit 40 na sinehan.

Ang pangako lang sa kanyang namayapang ama na si Jorge Estregan at sa kanyang Ninong Fernando Poe Jr. at ang kagustuhang makatulong sa mga taga-industriya ang dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang nagpo-produce ng mga pelikula at patuloy na sumasali sa Metro Manila Film Festival.

Bilib na bilib din sa kaparehang si KC Concepcion, kung saan nagbitaw ng salita ang actor/politician na kung hindi mananalo as best actress si KC sa MMFF ay may dayaang nangyari.

Hindi na naman umaasa na mananalo as best actor, hindi man nananalo sa MMFF ay nagpapasalamt naman si Gov. ER sa ibang award-giving bodies na naniniwala naman sa kanyang kakayahan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleAyon kay Gov. ER Ejercito, KC Concepcion, dinaya ‘pag natalo sa best actress category
Next articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 7 – December 20 – 22, 2013

No posts to display