FIRST TIME ni Anne Curtis na makipag-espadahan ng dila sa pelikula kaya awkward ang naging feeling niya habang kinukunan ang naturang eksena sa pelikulang Blood Ransom kasama ang leading man na Hollywood actor na si Alexander Dreymon.
“You are my first French kiss and first time ko ring ginawa ‘yon,” pahayag ni Anne kay Dreymon during the presscon of Blood Ransom.
“Dito kasi sa atin, hindi naman ganu’n ang kissing scene kaya nagulat talaga ako na kailangang maging mas passionate pa ‘yung scene namin. Nakulangan ‘yung direktor namin at nakailang takes kami. Until in-explain sa akin na dapat super-torrid daw, kaya ‘yon ang ginawa namin,” kuwento ng aktres.
Ang Blood Ransom ang first international movie ni Anne at aminado siyang naging super-daring din siya sa pelikula.
“Pagbalik ko rito sa atin, kinausap ko kaagad ang Viva at sinabi ko na meron akong mga delikadong eksena sa film na baka ika-shock nila. Mas mabuti na ‘yung alam nila, ‘di ba? Naintindihan naman nila and they are very supportive sa desisyon ko.”
Nag-audition si Anne para makuha ang role ni Crystal para sa Blood Ransom. Nag-post pa siya noon sa kanyang Twitter account na, “Something to look forward. My very first international indie film. I actually auditioned to get this part and got to experience filming in the States. So excited to see how it turned out. Yahooo!”
Bagama’t nakagawa na ng first international movie, inamin naman ni Anne na wala pa siyang Hollywood agent sa US.
La Boka
by Leo Bukas