MARAM ING NAGSASABING hindi raw dapat maging isang role model si Anne Curtis dahil na rin sa eskandalong kinasangkutan nito, kung saan nanampal siya ng ilang tao nakinabibilangan nina John Lloyd Cruz, JR Isaac (editor at publisher ng Circuit magazine) at Leah De Guzman noong Nov. 23 sa Prive Luxury Club sa The Fort, dahil sa sobrang kalasingan.
Maaalalang napagbintangan ni Anne na katok nang katok sa pinto ng restroom ang mga ito habang nasa looob siya , kaya naman sa galit nito at dahil lasing na lasing, pagbukas ng pinto at mabungaran ang mga ito ay ora-oradang sinampal ni Anne na ikinagulat ng mga ito at ng mga taong naroroon.
Na sinundan ng masasakit na salitang patungkol kay John Lloyd na tinawag nitong “addict” at kung anu-ano pa. Marami nga ang nakasaksi sa eskandalong ginawa ni Anne sa nasabing gimikan.
At nang mahimasmasan si Anne at nawala ang kalasingan, agad naman itong nag-apologize sa mga taong kanyang nasaktan. Pero patuloy pa rin ang batikos sa kanya ng mga tao, lalung-lalo na sa networking sites na kesyo lasengga at babaeng nawawala sa sarili daw ito kapag nalalasing.
NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na 8th year ng Walk of Fame Philippines na ginanap sa Eastwood Libis sa pangunguna ni Kuya Germs Moreno at sa tulong at suporta na rin ng very generous na si Madam Alice Eduardo na ayon kay Kuya Germs ay apat na taon nang sumusuporta sa kanyang Walk of Fame Philippines.
Ilan sa nakasama sa Walk of Fame ngayong taon sina Megan Young, Bembol Roco, TJ Trinidad, Gladys Reyes, Joel Torre, Wing Duo, Manding Claro, Joel Cruz , Manny and Pie Calayan, Precious Lara Quigaman, Melanie Marquez, Stella Marquez de Araneta, Margie Moran-Florendo, Jamie Rivera, Toni Gonzaga, Armi Kusela, Anderson Cooper, Rob Schnieder, Vicky Morales, atbp.
Nagsilbing host sina Jackie Lou Blanco, Sharmaine Santiago at John Nite. Habang nagbigay naman ng awitin sina Pilita Corrales, Anthony Castelo na kasama si Cita Astals, Pilyo, Detour, Ken Chan at UPGRADE. Dumalo naman at nakisaya sina Shalala, Rene ng PEPS Salon at ilang miyembro ng entertainment press.
MAGIGING BUSY raw ang Pinoy/Jap singer na si Ryu Morikawa dahil sa dami ng shows nito ngayong December na magsisimula sa Dec. 7, kung saan nakatakda siyang magkaroon ng mall tour sa Starmall Alabang na susundan ng Dec. 8 sa Starmall Edsa, Dec. 14 sa Starmall Bulacan, at Dec. 28 sa Starmall Las Piñas.
Makakasama ni Ryu sa mall tour ang Walang Tulugan all-male group na 4G na kinabibilangan nina Merwyn Abel, Jasper Dela Cruz, Josh Izon, at Shaun Salvador at teen award-winning rapper na si DJ Joph.
Habang magiging espesyal naman nilang panauhin ang Full Force Dancers at ang Walang Tulugan teen co-host at Pyra mainstay na si Kate Lapuz. Nakatakda ring itong mag-perform sa benefit show ng Dominican School sa España para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
John’s Point
by John Fontanilla