Anne Curtis, plans to change network?

LUTANG NA LUTANG talaga ang ganda ni Anne Curtis kapag naka-all blue. Parang nag-iinit ang pakiramdam namin sa kanya nu’ng muli siyang i-launch bilang endorser ng GSM Blue.

Buti na lang, taken na kami, Kuya Dani! (Yuck the nerve!)

Anyway, tinanong si Anne kung me alok bang lumipat siya sa GMA 7. “Wala naman po. Happy naman ako with ABS-CBN, eh. I have The Wedding naman and ASAP 09.”

Oo nga naman. Mukha namang kuntento si Anne bilang Kapamilya. Kahit itanong n’yo pa sa daddy niyang si Rez.

Si Rez Curtis talaga? Hahaha!

UY, NA-SIGHT N’YO na ba ‘yung bagong billboard du’n sa Quezon Ave. cor EDSA, kung patungo ng SM West? In fairness, katakam-takam si Dingdong Dantes du’n, huh!

Perferct, sabi nga ni Ate Vi! Ewan kung ginamitan ng photoshop ang larawang hubad-baro na ‘yon ni Dingdong, at ‘yung naka-insert na photo sa gawing kanan naman ay nakadilaw siyang hapit na trunks ba ‘yon o whatever ng Bench?

Basta kung anuman ‘yon, parang me nakakubling patola sa likod ng hapit na hapit na dilaw na underwear na ‘yon na ibig kumawala. At ewan kung me daya ito.

Pero sa kabuuan in fairness, panalo du’n si Dingdong, huh!

Ang tanong naman ng mga fans, kelan naman nila makikita sa isang billboard si Richard Gutierrez nang ganu’n din kaseksi ang pictorial?

Me ganu’n?

HANGGANG NGAYON BA’Y isyu pa rin ang estilo ng pag-awit ni Martin Nievera ng Lupang Hinirang sa laban nina Pacquiao at Hatton?

Utang na loob, tigilan na ‘yan. Buti nga, hindi pumiyok at tama ang lyrics, ‘no?! Binastos ba ni Martin?

As long as kinikilala natin at alam nating ang tamang melody ng ating Pambansang Awit, eh, ituon na lamang natin sa ibang problema ng bansa at pansarili ang ating oras.

Hindi naman namin kayo inaawat na maging makabayan. Lahat naman tayong mga Pinoy, iisa ang ipinaglalaban, eh. Pero let’s move forward. ‘Wag na tayong tumuon d’yan sa tono ng Pambansang Awit.

Nanalo na si Paquiao, let’s be happy. Naglagay na naman ng bituin sa ating bansa si Manny, maging proud na tayo. Palagay n’yo?

Hindi kasi me mapalagay, eh!

Don’t forget to listen to “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz882 sa AM radio at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous article‘Dapat Ka Bang Mahalin’ breaks 30% barrier
Next articleSandara Park’s girl group 2NE1, now famous in Korea

No posts to display