GANDA NG konsepto ng pelikulang One More Try ng Star Cinema na isa sa panlaban nila sa darating na Metro Manila Film Festival sa December 25.
It’s a about selfless love. In short, it’s about unconditional lover lalo pa’t timing na sa araw ng Pasko ay punum-puno ng pag-ibig ang sanlibutan.
Mas lalo kong naintindihan ang nilalaman ng pelikula lalo na nang ipaliwanag ni Direk Ruel Bayani na bukod sa “totoong pag-ibig” it also deals about the family na akma sa temang Pampasko.
Kaya nga sa trailer ng pelikula, kakabog sa ‘yo ang mga katanungan na ipapahiram mo ba ang asawa mo sa dati nitong minahal para lang mailigtas ang buhay ng anak niya? Matitiis mo ba na makasiping ang isang dating minahal na asawa na ng iba para mailigtas lang ang anak mo na nanganganib na?
Medyo may kabigatan, pero tagos na tagos sa puso.
Sayang at wala ang isa sa mga bida na si Dingdong Dantes. May tinatapos na trabaho dahil aalis siya kinabukasan (kahapon, Thursday) para magbakasyon sa Amerika.
Sabi ng publicist ng aktor; long overdue na bakasyon na daw ‘yun na hiningi ng aktor sa kanyang manager.
Sa pagbabalik niya late next week ay todo-trabaho na muli ang aktor para sa promotion ng pelikula.
YES, LALABANAN nina Angel Locsin at Angelica Pa-nganiban si Nora Aunor sa pagka aktres. Sa pagkaka-taong ito, magsasalpukan ang dalawang “Angel” ng pelikulang One More Try sa aktres na si Nora na may pelikula namang ilalaban, ang Thy Womb sa darating na MMFF.
“Laban kung laban. Hindi kami dapat matakot. Hindi kami dapat kabahan,” sabi ni Angelica na alam naming kabado sa labanan kung sino ang magiging “best actress” pagdating ng awards night.
May paghamon man sa Superstar na si Nora, pa-ngiti na ipinahayag ni Angelica na keri niyang maki-pagsabayan. “Kahit sino, may pag-asa.” ‘Yun na!
‘YONG MGA showbiz personalities natin tatakbo pala sa Conrgress or ano mang posisyon sa pulitika sa darating na election sa May 2013, by February of next year dapat pala mag-resign na sila or mag-leave sa show na kinabibilangan nila.
Isa na rito si Tsong Joey Marquez na may regular Saturday show after It’s Showtime.
Recommendation niya: “Si John (Estrada) na lang kaya?”
Sabat ni Ogie Diaz: “Eh, ‘di si Janice (de Belen) naman ang mawawala.”
Dagdag ni Ogie: “Kung si BB Gandanghari naman ang magiging replacement, si Carmina( Villaroel) naman ang magre-resign.” Aliw!
BUKAS, DECEMBER 8 ay susubukan ni Sylvia Sanchez ang mag-procude ng concert.
Ang kanyang pasimula ay ang pagtatanghal ng 2GETHER kung saan tampok ang TV screen partners na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap (Papa Chen) na magaganap bukas ng gabi sa Metro Bar sa West Ave. sa Quezon City.
Special guest si Arjo Atayde sa show. Para sa mga tickets please call Gina at: 0928-3525815 or buy yout tickets at the gate.
SA SIMULA, it was Sharon Cuneta and Regine Velasquez ang super react sa bashers nila sa Twitter.
Now sumama na rin sa liga nila si Ann Curtis na nagre-resbak sa bashers niya na nilalait ang ina niya na diumano’y isang “Pinay Maid” at ang ama naman na tawag nila ay ‘Aussie loser guy”.
Suggestion namin kay Anne, i-deadma ang walang magawa.
Reyted K
By RK VillaCorta