Sa wakas, binigyan na ng green light ang matagal nang naka-bankong proyekto ni Anne Curtis na The Wedding kasama sina Zanjoe Marudo at Derek Ramsay. Isa nanamang mala-koreanovela ang treatment ng The Wedding pero at least original ang istorya nito at hindi lang hinugot galing sa isang Koreanovela.
Dapat kasama sa serye si Geoff Eigenmann bilang Warren pero lumipat ito sa Kapuso network para saluhin ang role dapat ni JC de Vera sa SRO Cinema Serye. Si Derek Ramsay na ang gaganap sa role ni Warren, ang first love ni Candice.
Iikot ang k’wento sa tauhan ni Anne Curtis na si Candice de Menes, isang single rich girl na gagawin ang lahat para mapigilan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Napakatuso ng karakter dito ni Anne dahil nung maghihiwalay na ang mga magulang niya, nagawan niya ng paraang ma-engage sa common enemy ng parents niyang si Marlon (Zanjoe Marudo). Magba-backfire naman ang plano ni Anne dahil totoong ma-i-in love siya kay Zanjoe. Saka naman papasok sa eksena si Derek upang ibalik ang dating pagtitinginan nila ni Anne. O ha, ang haba ng hair ni Candice dito – pag-agawan ka ba naman ng two hunk actors?!
Saktong wedding month ang labas ng seryeng ito na mapapanood sa Primetime Bida nang walong linggo lamang. Very light ang romantic comedy na ito na magsisilbing breaker o mampatanggal-umay. Sana lang hindi pa umay ang mga manonood sa tambalang Zanjoe-Anne kasi sa totoo lang, hindi naman sila bagay. Na-ispat-an ng Parazzi cam sina Anne at Derek sa Crowne Plaza Hotel sa taping nila at mukhang refreshing ang tandem na ito. I’m sure maraming kapamilyang nag-wiwish na June na para mapanood nila ang hot pair na ito, ‘di ba?
by Faith Salazar