BLIND ITEM: BILIB kami sa mga artistang ginagamit ang utak bago ang puso. ‘Pag utak ang ginamit mo, career mo ang nakasalalay, pero ‘pag puso, puwedeng mabuntis pa ‘yan.
Pero sa isang guwapong young actor, utak ang kanyang ginamit.
Ayan at sunud-sunod ang mga projects niya sa isang network. One time, sa isang party eh, bigla na lang nawalang parang bula si Young Actor at si Directed By. Aba’y kanina lang, masaya pang nagtsitsikahan ang dalawa, ah? Sa’n na sila nagpunta?
‘Yun pala, nag-check-in si Young Actor at si Directed By somewhere along the way. Siyempre, kesa nga naman mag-hotel, makikita pa sa lobby. Hindi tulad sa motel, ‘pag park sa loob ng sasakyan, isasara na agad ito.
Wala nga namang ebidensiya. At ‘yun na, naganap na ang pinakaasam-asam ng baklitang direktor. Nailugso niya ang puri ng young actor, kaya ayan, me teleserye na naman.
Pero bago n’yo kami husgahan, ha? Hindi sa hinihimok namin ang ibang aktor na magpahada rin sa mga bading na may mataas na katungkulan sa showbiz, kanya-kanyang diskarte ‘yan.
Nagkataon lang na ang prinsipyo ng young actor eh, “Si Direk ang magbibigay ng project sa akin, eh. Ano ba naman ‘yung isang gabing ipasok ko sa bunganga niya ang ari ko?”
Hahahaha! Me gano’ng factor?
But honestly, hindi namin sasaluduhan ang young actor, pero hinahangaan namin siya, dahil “malinis” siyang “magparaya” kay Direk. Pero siyempre, ‘pag may usok, may madudukot. Chos!
Basta ang young actor na ito ay nasa “tugatog” na. And when I say nasa tugatog na, wala siya sa liga ng mga aktor na nasa ilalim pa ang career.
SI VICE GANDA na rin ang nagsabi na may problema kaming pinagdadaanan bilang manager-talent. Sa totoo lang, normal lang naman sa isang relasyon ito. Kahit sa magsyota, mag-ina, magkapatid, magkaibigan, hindi nawawala ang diskusyon at alitan.
Si Vice na rin ang nagsabi sa presscon nu’ng tinanong siya kung may gap kami, hindi siya marunong magsinungaling, kaya hindi niya puwedeng sabihing okay kami kung hindi naman talaga.
Hindi personal ang problema kungdi may kinalaman sa trabaho.
At naniniwala kami na ang bagay na ito ay parang hindi magandang “isumbong” pa sa publiko, dahil unang-una, hindi maiintindihan ng karamihan. At ang tendency, magpaliwanag kami sa publiko gayong kaming dalawa lang ang makakaayos nito.
Anyway, nasabi na ang nasabi. Anuman ang kahinatnan ng usaping ito ay sana, maayos pa rin.
Pero kung hindi na maaayos, gano’n lang naman ‘yon. ‘Yung mag-asawa nga, kahit sampung taon nang nagsasama, dumadaan din sa ganitong problema kahit pa sila’y may mga anak pa, kami pa kaya ni Vice?
Basta ang importante sa amin ngayon kung sakaling mauuwi rin sa hiwalayan, sana’y ingatan ni Vice ang kanyang bonggang career, lalo na ang kanyang kalusugan.
IN FAIRNESS, NAALIW naman kami sa trailer ng latest movie ni Vice Ganda kahit hindi namin inaasahan na isisiwalat niya sa press na kami’y may samaan ng loob.
Nakakaaliw na parang Petrang Kabayo ang Praybeyt Benjamin na trailer pa lang, parang alam na namin ang kuwento, pero mas gusto naming panoorin sa sine para mas maaliw kami.
Sa Twitter nga ay nire-retweet ang link kung saan mapapanood ang Praybeyt Benjamin, kaya puro positive ang reaksiyon ng tao. Halos iisa ang kanilang comment na panonoorin nila ang pelikulang ito sa October 12.
CONGRATS DIN ANG aming hatid sa bumubuo ng No Other Woman kung saan bonggang-bongga ang review sa acting ni Anne Curtis kesa kay Cristine Reyes. Nakakaaliw raw ang mga eksena, lalo na ang batuhan ng mga dayalog.
At kahit hindi pa namin ito napapanood ay feeling namin, maganda ang pelikula, lalo na’t binigyan ito ng A Rating ng Cinema Evaluation Board. Bongga, ‘di ba?
Oh My G!
by Ogie Diaz