NAKAUSAP NAMIN noong nakaraang linggo si Anne Curtis at masaya niyang ibinalita na tuloy na nga ang kanyang pinakamalaking konsiyerto come 2012. Ito raw ay magaganap January next year kaugnay pa rin ng kanyang Anne-Bisyosa album.
Hindi pa alam ni Anne kung sinu-sino ang mga magiging guests niya, pero tiyak niyang magiging masaya ito at super bongga. At ito ang catch, hindi lang niya ito gagawin sa bansa kundi magkakaroon pa ito ng world tour.
PINANGUNAHAN NI Piolo Pascual ang proyekto ng Sunlife Philippines na ‘Rave for Art’ kung saan ang mga paintings at mga photos na kasama sa “SunPio-logy 2012” ay up for grabs na sa mga gustong bumili nito. Open ang bidding ng mga nasabing photographs at paintings sa sunpiology.com hanggang January 12, 2012, kung saan isi-celebrate ng aktor ang kanyang birthday.
Ang proceeds ng nasabing charitable endeavor ay mapupunta sa Hebreo Foundation na matagal nang tinutulungan ng aktor.
Pero iwas na iwas si Piolo sa interview ng mga press, kaya naman noong makausap na ito ng members ng media ay tungkol lamang sa event ng Sunlife Philippines ang pinayagang itanong at ang tungkol sa mga plano nito sa Pasko.
NAKAUSAP NAMIN last week si Jasmine Curtis-Smith at masaya siyang nakabalik na ulit siya sa Pilipinas. Hindi pa niya alam kung saan sila magpa-Pasko ng kanyang Ate Anne Curtis. Pero isa raw sa mga malinaw ay ang pagdalaw nila sa kanilang daddy sa Pampanga sa holiday season. May mga bago na rin daw siyang proyekto sa TV5 at masaya siyang simulan na ito.
Masaya naman si Jasmine na happy na ang lovelife ng kanyang Kuya Luis Manzano na umamin na sa kanilang relasyon ni Jennylyn Mercado.
NAKATUTUWANG MALAMAN na at the back of Gov. ER Ejercito’s new movie, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay ang mga kuwento na marami siyang napasaya na mga stuntmen na matagal na ring walang trabaho. Mga taong ibinuhos ang panahon at effort sa mga pelikulang aksiyon na matagal-tagal na ring walang gumagawa.
Kaya naman, umaasa ang marami na tangkilikin ng mga Pinoy ang Asiong Salonga upang tuluy-tuloy na ang paggawa ng mga artistang Pinoy at producers ng action films upang lalo pang sumigla ang lokal na aliwan.
Ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story lang ang kaisa-isang action movie na entry sa 2011 Metro Manila Film Festival.
Sure na ‘to
By Arniel Serato