MANANATILI NA lang ba kaming gatasan ng mga magnanakaw sa gobyerno?
Kamakaila’y napabalita ang pagkawala ng pondo ng OWWA at diumano’y ginamit ng nagdaang administrasyon para sa katiwalian. Daan-daang milyong piso rin ang nawala sa TESDA dahil sa mga “ghost scholars”. Malaki sana ang naitulong nito para sa skills training ng mga OFW. Ano na ang nangyari sa iba pang programa ng gob-yerno na naglalaan ng financial assistance para sa placement fee, scholarship, legal assistance at iba pa? – Jennifer ng Silang, Cavite.
ANG MGA anomalya sa pondo ng OWWA at TESDA ay kasalukuyang iniimbestigahan na ng pamahalaan.
Ang RA 8042 o Magna carta for OFW ay may mga inilalaan ding financial assistance para sa mga sumusunod:
1) Migrant Workers Loan Guarantee Fund—Naglaan ang Kongreso ng P100 milyon na paunang pondo para sa “pre-departure loan” ng mga OFW. Assistance ito para sa placement fee nang sa gayo’y ‘di na sila mabiktima ng mga illegal recruiter. Nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng OWWA.
2) Emergency Repatriation Fund—Naglaan ang Kongreso ng panimulang P100 milyon para sa madaliang pagpapauwi ng mga OFW na may problema sa abroad. Nasa ilalim din ito ng panga-ngasiwa ng OWWA.
3) Legal Assistance Fund—Naglaan ang Kongreso ng P200 milyon para makakuha ng mahuhusay na abogado para sa mga OFW na may mga kaso sa abroad.
4) Congressional Migrant Workers Scholarship Fund—pondo ito para sa scholarship ng mga OFW at mga dependents nila.
5) At iba pang programa.
Panahon na marahil na ang mga ahensiya ng gobyerno ay mag-ulat sa mga OFW at sa bayan kung paano ginugol ang mga pondong ito at kung may natitira pang gugulin.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo