Focus
by E.S. Capo
Habang bidang-bida ang ‘Pinas sa Guinness Book of Records sa martsa laban sa ipinagbabawal na gamot, ‘tila sangkaterbang gamot naman yata ang kailangan nitong si Education Secretary Jesli Lapus para sa kanyang presyon.
Nakapagtala ang ‘Pinas ng record bilang kauna-unahan at pinakamalaking anti-illegal drugs march sa buong mundo na dinaluhan ng lampas 100,000 estudyante, kawani ng pamahalaan, mga magulang at maging kasapi ng mga non-government organizations.
Samantala, namataan ng ating fotograpong-gala sa naturang Grand Bida March noong Marso 21 sa kahabaan ng Roxas Boulevard si Lapus na kinukuhanan ng presyon ng isang first-aid volunteer. Sa sobrang dami ng tao na lumampas ng 100,000 na sinabayan pa ng matinding sikat ng araw, hindi na nga yata kinaya ng powers nitong si Lapus ang init at pagod.
Aba, mahirap nga namang nilalabanan mo ang ipinagbabawal na gamot samantalang ikaw naman ang mangangailangan ng sangkaterbang gamot sa alta-presyon ‘no?!