KALOKA, MERONG isang guy na gumawa ng anti-Kris Aquino application sa internet. Kalat na kalat na ngayon ang naimbentong anti-Kris application sa social media which said it it “prevents you from reading ‘Kris Aquino’-related topics.”
Nang mag-browse kami, nakita naming kung paano ito mag-work. According to https//github.com kimerran/antikris, it is “a simple Chrome extension that prevents you from opening ‘Kris Aquino’-related articles.” Complete ito with instruction on how to install the program.
One, download the extension file anti-kris.crx. Two, from your Chrome browser, navigate to chrome://extensions/. And then drag anti-kris.crx to your Chrome browser.
Apparently, rinding-rindi na siguro ang guy sa mga Kris articles, rumors and news kaya naimbento niya ang application na ‘yon.
Ano kaya ang say ni Kris dito?
PLAYING A pastry chef in the musicale TV series The Boston is one big challenge for former StarStruck Batch 5 grand winner Steven Silva. As Sid, na-amuse si Steven sa kanyang character.
“Si Sid, ano siya, metrosexual siya. Nakakatawa ang character niya. Parang may mystery sa character niya, hindi pa sure ang audience kung bading siya, may girlfriend siya o metrosexual lang siya,” chika niya sa amin.
“It’s really funny kasi kung paano siya nag-i-interact sa ibang character lalo ‘yung character ni Dax Martin na lalaking-lalaki siya. Parang palagi silang nag-aaway. Bago pa rin siya sa resto so nag-interview si Sid. Sa first episode pa lang, medyo nabu-bully siya. Parang ang tingin nila kay Sid ay bading siya, hindi siya magaling mag-chef. I think it’s really funny kasi minsan ‘yung mga hirit ni Sid mataray. Parang, ‘bading ba ‘to?’”
Steven takes pride in the fact that in The Boston, the story is not focused on the lead characters only.
“Lahat ng characters may background story, hindi lang siya naka-focus sa apat na bida. You see, sa mga teleserye ito ang mga bida so doon ‘yung mga eksena, doon talaga naka-focus. Doon sa “The Boston” they’re really interacting with each other at may mga background sila. Siyempre the focus is on the bidas pero at the same time everyone is part of the show. Ano siya, very in and out, very interweaving.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas