SA COMEDY BAR nagsimula ang career ni Anton Diva as a singer na gumagaya kay Asia’s Songbird Regine Velasquez.
“First three years ko sa comedy bar sobrang pressure kasi di naman ako komedyante. Hindi ako natanggap sa trabaho dahil nakakatawa ako.
“Siyempre, yung expectation ng ibang mga guest, is that I should be funny, pero alam naman ng mga kasama ko yung strength ko. I’m always paired with somebody sa gig na nakakatawa para balanse, so its laughter and music in a night kaya maganda ang kumbinasyon,” kuwento ni Anton Diva na magkakaroon na ng major concert sa Cuneta Astrodome titled ‘Shine XXII AD: Anton Diva’ sa June 15, 2019.
Bukod kay Regine, ibinahagi rin ni Anton ang iba pa niyang iniidolong singers.
“International Divas, there was Mariah, Whitney, si Celine Dion, those were my big musical influences. Of course Barbra Streisand. Those were my idols, icons na humubog sa style ng pagkanta ko ngayon,” he said.
Maging ang pangarap niya na magkaronon ng hit song ay binanggit din sa amin ni Anton Diva.
“Ngayon, gusto ko lang ulit magka roon ng recording. Hindi ko naman hinahangad na maging album, kahit isang song lang na maghi-hit.
“I would love to have a song na makikilala ng maraming Pilipino. I love singing so gusto ko dun ako mag-focus, magkaroon ng collaboration with other singers na idolo ko din.
“It’s a big dream na maka-duet si Ms. Regine, sa isang song na babaunin ko hanggang sa pagtanda ko.”
Produced by Teri Onor (Teri Onor Entertainment Services or TOES) and directed by Peter Flores Serrano, special guests ni Anton Diva sina Regine Velasquez- Alcasid, Vice Ganda, Michael Pangilinan, Raging Divas, Miss Q&A 2019 Mitch Montecarlo Suansane, at Jewel Jhonson.
La Boka
by Leo Bukas