KABUTIHAN AT hindi kabuti ang mensahe ni Paul David Santos ng Tarlac City, isa sa mga apo ni dating alkalde na si Lino Gomez David na nag-umpisang manungkulan noong 1966, panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Ayon kay Paul, ang pagtulong ay dapat taos sa puso at walang inaasahang kapalit. Nagtungo si Paul sa DSWD-NCR upang magbigay ng cash support sa mga matatandang ulila at mga may sakit na cancer. Nagsimula si Paul na maging good Samaritan nang gumaling sa sakit na cancer ang kanyang mommy may labing limang taon na ang lumipas.
Kahit taga-Tarlac si Paul, hindi hadlang sa kanya ang tumulong sa kapwa kahit pa saang lugar ito. Nasa dugo na ni Paul ang pagtulong, pagkupkop sa kapwa, at serbisyo publiko.
Ayon kay Paul David, tayo ay dapat may PUSO, may takot sa DIYOS, at may tapat na SERBISYO (PDS). Panahon na aniya para magbago.
Nakatakdang tumakbo si Paul David Santos bilang bise alkalde ng Tarlac City sa darating na eleksiyon sa Mayo 9, 2016.