Apoy sa Takip-Silim

MATAGAL NA AKONG rabid admirer ni G. Manoling Morato. Sibling ng isang dinadakilang angkan at may edukasyong superior, napakamakulay ang kanyang buhay bilang isang pribadong mamamayan at matapat na lingkod bayan. Sa kanyang admisyon, ripe 77 na siya. Marami na siyang nagawa at naiambag sa kapakanan ng lipunan at maliliit.

Ngunit ‘di ko lubos-maisip na sa takip-silim ng kanyang buhay ay ninanais pa ni G. Morato na laging pumagitna sa apoy ng mga a-lingasngas at kontrobersiya. Totoo. Nalulungkot ako ‘pag siya’y sinasabuyan ng ihi at inaalipusta ng wala man lamang kaunting paggalang sa kanyang matandang edad ng kanyang mga kritiko. Ang isang ehemplo ay ang kanyang kasalukuyang sinasawsawan na kontrobersiya sa PCSO.

Tama na, G. Morato. Hindi mo na kailangan ng limelight. You have nothing more to prove. ‘Di mo na dapat pang patunayan na ikaw ay fighter to the bone. Hangad ng marami, tumulong ka na lang sa suliranin ng PCSO. At mabait na payo ng ‘di iilan kung may panahon ka pa, tulungan mo rin si Boy Abunda bilang consultant ng Ladlad Party List. Ito ay isang bago at makalaglag-bra na challenge sa ‘yo.

DON’T BE SHOCKED but ako rin ay rabid fan ni Gng. Kris Aquino. Nasundan ko ang kanyang buhay mula sa larawan ng isang tumatangis na paslit sa tabi ng ataol ng pinaslang niyang ama hanggang sa kanyang lumuluhang TV interview nu’ng maghiwalay sila ni James Yap.

Kagaya ni Ginoong Morato, napaka-kulay rin ng kanyang buhay at career. Katanyagan.  Kagandahan. Kapangyarihan.  Lahat ng mga ito ay inaangkin niya. Ngunit may isang pinakaimportanteng bagay na kulang: Isang nilikha na tunay na magmamahal sa kanya. Sa kapalarang ito, don’t be shocked but ako rin ay nakikitangis kay Kris.

Ngunit tila naka-bounced back na sa normal na buhay si Kris. ‘Di na palaiyak at ang mahalaga, ‘di na palaaway. Laway ng tsismis, siya raw ay tatakbong gobernador sa Tarlac sa 2013 at senador sa 2016. Nangilabot ang ‘di iilan: Ibig sabihin, marami pang nakalinyang mga Aquinos? Siyempre. ‘Di ba nariyan pa sina Joshua at Baby James? Kayo naman, anong masama du’n?

Quips of the Week

Tanong kay Erap: Sir, kailan kayo titigil manigarilyo?

Sagot: ’Pag tumigil na si P-Noy.

Tanong: Ano’ng tawag sa mga bishops na binigyan ng Pajero ng PCSO?

Sagot: Mitsu-BISHOPS.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleAiko Melendez proves that moving on is easy for her
Next articleNora Aunor is set to do a period movie with Laguna Governor ER Ejercito

No posts to display