Apps na kailangang mayroon ka para laging handa!

NOONG OKTUBRE taong 2012 lamang, inanunsyo ng Google na may humigit kumulang 700,000 apps ang maaaring i-dowload sa Android’s Google Play. Makaraan lang ang halos isang taon, noong Hulyo 24, taong 2013, lumobo ito sa isang milyong apps. Dagdag pa ng Google, may 50 billion pa itong downloads palagi.

Ang Apple naman nagsabi na may isang milyong apps ang App Store. At nito lamang katapusan ng Mayo, sa kasalukuyang taon, ayon sa Statistics, ang Google Play ay mayroon na ngayong 1.5 million apps na sinundan ng Apple Store na may 1.4 million apps.

Hindi ito labanan kung sino ang may pinakamaraming apps na nagawa. Hindi rin ito labanan kung Samsung o Apple ka ba. Dahil kahit magkaiba ang panggagalingan ng apps, may karamihang apps pa rin na puwedeng-puwede pareho sa Android phone o iOs phone. Halos 70 porsiyento siguro ng mga bagets ngayon ang naka-smartphone, kaya ano pa ang hinihintay mo, mag-download ka na ng mga babanggitin ko!

Hindi lang naman Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube ang puwedeng i-download sa Android o Apple. Marami pa kayang apps na malaki ang matutulong sa pang-araw-araw na gamit mo.

Waze – Waze na nga siguro ang isa sa mga pinakagamit na gamit na apps sa panahon ngayon. Malaking tulong ang app na ito para matumbok ang destinasyon na gustong mapuntahan nang hindi naliligaw at makaiiwas pa sa traffic na makaaabala pa sa biyahe mo.

Uber/GrabTaxi – Karamihan sa atin, ayaw nang magdala ng sasakyan sa pagbibiyahe dahil nai-stress lang sila sa traffic at problema pa ang parking. Kaya naman, para maging mapayapa ang biyahe mo pag-uwi nang hindi kinakailangang makipagsiksikan sa MRT o LRT, Uber at GrabTaxi na nga ang solusyon diyan.

Dubsmash – I-record ang makabuluhang 15 segundo ng buhay mo sa pamamagitan ng app na ito! I-feel mo ang pag-arte at ang pag-lip sync sa artist na ginagaya mo. Huwag mahiya at ipagmalaki pa ito sa mga friends mo sa Facebook at followers sa Instagram!

eBay – Subaybayan ang pagbebenta ng mga luho mo sa buhay sa app na ito! Para itong sulit.com o OLX ng smartphones.

Viber/What’sApp – Huwag itigil ang mundo kapag wala nang load! Ituloy ang usapan! Huwag bitinin si textmate at phonepal. Mag-unlicall at chat ka nang libre basta may wifi. Salamat Viber at What’s App!

Pinterest – Huwag gawing hanggang titig lang ang mga larawang pinagpapantasyahan, i-download ang Pinterest nang magka-cork board ka ng mga litrato ng lahat ng iyong mga gusto. Para libre remembrance na rin.

Google Search – Maging henyo sa lahat ng bagay. Mas maging matalino at mas maging mabilis ang pagsagot sa mga katanungan. I-download ang Google Search!

SoundCloud – Sawa na sa YouTube? O ‘di kaya, gusto lang mag-soundtrip kahit walang video, solve na. Aba, SoundCloud na nga ‘yang hanap mo.

Yelp – Gustong makatikim ng ibang putahe? Pero ang alam lang ay Jollibee at Mcdo? I-download na ang Yelp nang may aalalay sa ‘yo sa paghahanap ng magagandang restaurants na may kasamang reviews para lang sa ‘yo.

Camera 360 – Maging mas maganda at pogi sa mga selfies! Camera 360 lang katapat niyan.

Clash of Clans – Candy Crush is out, Clash of Clans is in! Para walang boring na araw at patay na oras, i-download ang Clash of Clans at mag-attack ka nang mag-attack!

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

Previous articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 74 June 15 – 16, 2015
Next articleNagmamadaling Magpakasal

No posts to display