BONGGA NAMAN ni Joshua Garcia. No sweat ika nga sa panliligaw niya sa kapartner na si Julia Barretto. Hindi siya mahihirapan manuyo sa dalaga dahil gusto din siya ni Julia.
Yes, aminado ang binata na gusto niya si Julia reason para officially ay nililigawan niya ito.
Sa presscon ng pelikula nilang dalawa na “Love You to the Stars and Back” na bagong romcom ni Direk Antoinette Jadaone na kilala sa mga pelikulang emote at hugot na produced ng Star Cinema, kakaiba at mas level up ang romansa sa movie ni Direk reason para ang pelikula ay nakatulong sa off-camera relationship ng dalawa.
Isa rin marahil ito sa dahilan ng positibo na reaksyon ni Julia sa binata na nanliligaw sa kanya ngayon.
Sabi ni Julia who plays the role of Mika: “Very well-loved naman siya by my family, very accepted at pag may gathering, hinahanap na rin siya kaya nakakatuwa para sa akin kasi siyempre gusto mo accepted,” pagmamalaki ng dalaga.
Maging ang ina niya na si Marjorie Barretto ay boto rin sa binata. “Kung ano yung gusto ng mga anak ko, doon ako. Basta happy at protective sa mga anak ko, okay na ako. Basta, inspired.”
Dagdag pa ng ina tungkol sa magagandang salita nito sa ka-love team ng anak: “Si Joshua kasi nakikita ko very maka-pamilya siya eh. So important sa amin na he likes being with our family. Parang he looks like a good son.”
Kung gayong oks si Joshua sa nanay at mas okey ang binata sa dalaga, maganda ang magiging ending ng sinisimulang love story nina Joshua at Julia.
Sa katunayan, ang mga JOSHLIA fans ay naghihintay na lang ng matamis na sagot ni Julia sa panunuyo ni Joshua. For sure ay 100% haping-happu ang supporters at fans ng dalawa kapag nagkataon!
Sa August 30 na ang showing ng pelikula ng dalawa with the support of Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel at Ariel Rivera na ang pangako ng mga JOSHLIA fans ay suportado nila ang pelikula.
KAPAG isang Sarah Geronimo starrer ang isang pelikula, expected na kumikita ito sa takilya. Wala ako maalala na sumemplang kahit isa man sa mga pelikula ng Pop Princess mula nang pasukin niya ang showbiz sa larangan ng pag-arte.
No doubt, as a singer, palaging mayroon siyang hit song. Sa pelikula,...
MADAMI ang nagulat na sa edad ni Piolo Pascual na in 10 years time, he is turning 60 years old. Pero ang pangangatawan ng aktor ay very fit at hunk pa rin na perfect lang na siya ang patuloy na endorser ng Sun Life para sa kanilang SunPIOLOGY sporting...
IS IT TRUE na may personalan na isyu sa pagitan ng dalawang production outfit na nangangarap na ang pelikula nila ay mapasama sa final list ng pelikula sa Metro Manila Film Festival 2019?
Ang tinutukoy ko ay ang pelikulang ‘Culion’ na nagpaandar na ng kanilang “comeback movie” diumano ni John...
NAGSIMULA NA last October 3, Thursday ang Busan International Film Festival and Asian Film Market sa Busan, South Korea na magtatagal until October 12.
Kaya nakaka-proud na ang mga local films natin ay dala-dala ng mga local producers and actors natin sa isa sa pinaka-sikat na film industry event sa...
SUPER LIKE ko ang short hair ni Ria Atayde. Palagi ko kasi siya nakikita na kung hindi shoulder length ang buhok niya, mas mahaba pa below her balikat.
Mas bumata si Ria. Mas refreshing. Bagay na bagay sa dalaga na until now, she doesn’t want to confirm nor deny ang...
NAG-VIRAL ang balita na balik-pelikula muli si John Lloyd Cruz after nito mag-pahinga sandali sa showbiz. Syempre, ang mga fans ng aktor ay excited.
Maging ako, nang makita ko sa social media last night, Monday September 30 ang picture ng aktor na screen grab mula sa isang eksena ng pelikula...
MAY RAP MUSIC pa pala. Kaya nga nang malaman ko na ang rap artist na si Khen Magat ay seryoso na buhayin muli ang klase ng musika or genre na pinasikat nina Francis Magalona at Andrew E ay natuwa ako.
Mayroon ilan kasi na mga local rapper(s) na gusto ko...
YES, nakakahawa ang halakhak ng guwapong si Manolo Pedrosa sa picture niya sa social media.
Yong tawa na alam mo na masayang masaya ang young aktor lalo pa’t keber at wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga netizens na sa tawa niya, kita ang ngala-ngala niya.
Kapag masaya ka, wala ka...
BONGGA ang nine million views na na-achieve ng pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love ni Direk Jason Paul Laxamana na ipapakabas na sa darating na Wednesday, October 2 sa mga sinehan nationwide.
Ang bilis ng pagtaas ng mga views mula nang i-upload ng Regal Films ang teailer ng pelikula na...