MALAYA pa ring gawin ni Ara Mina ang pag-aartista kahit may-bahay na siya ni Dave Almarinez. Ikinasal sina Ara at Dave sa Baguio City nung June 30, 2021 at isa kami sa naging witness ng kanilang pag-iisang dibdib.
Ayon kay Dave na kumakandidato sa pagka-kongresista sa San Pedro, Laguna, hindi niya pagbabawalan si Ara na lumabas sa telebisyon at pelikula dahil bago pa man niya ito nakilala ay matagal na ito sa showbiz.
“I would like to give her that passion niya kasi ayoko naman na kung ano yung gusto ng mahal ko ay maging balakid ako,” katwiran ni Ara na kung tawagin ngayon ng mga taga-San Pedro ay “Cong. Dave.
Labis naman ang suportang ibinibigay ni Ara kay Dave na katulad nang kanyang ipinangako sa asawa. Nilalagare nig aktres ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at ang kampanya ni Dave. She makes it a point na lahat ng oras niya na hindi kailangan sa ginagawang teleserye ay inilalaan niya kay Dave para sa kampanya nito. Bukod dito ay
Ipinagpaliban din muna ng mag-asawa ang pagkakaroon ng baby para matutukan nang husto ang kampanya.
“Yung baby madali na yon. Kasi mahirap din mangampanya na lumolobo ang tiyan,” pahayag naman ni Ara.
Eh, kelan nila balak gumawa ng baby?
Tugon ni Ara, “Aantayin natin hanggang sa maupo siya, ano iyan, e, transition, di ba? So, pag na-settle, balik-trabaho na. Mabilis lang naman ang araw. Hindi mo mamamalayan na buntis na pala ako. Hahaha.”
Kumusta naman ang pagsasama nila nitong pandemic?
“Masaya na exciting na challenging dahil nga yung relasyon namin nag-start ng pandemic, eh. I think yung pandemic ang nakapagbuklod sa amin. Maganda yung tandem namin,” ani Ara.
Samantala, isa sa bonggang project ni Dave sa mga taga-San Pedro Laguna kahit hindi pa siya umuuopo sa Cingress ay ang WiFi Zones na nagkaroon ng launching sa Robinsons Galleria South, San Pedro, Laguna noong February 28. Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng Internet connection ang 27 barangay ng nasabing lunsod.