KAPATID ni Ara Mina si Macky Mathay sa father side. Si Sunshine Cruz naman ay malapit na kaibigan ng aktres. Ayon sa award-winning actress, ramdam niya na may pinagdadaanan ang dalawa pero ayaw niya itong panghimasukan.
“Well, sa isang relationship naman talaga normal lang naman na may ano. Kahit naman kami ni Dave minsan nag-i-LQ kami or something.
“But I really don’t know . I haven’t talk to Shine, I haven’t. Kasi sobrang busy nga ako. Gusto ko kasi pag nakausap ko sila personal. Basta nagme-message lang ako, may naririnig ako, ganun, ‘I hope you guys are fine.’
“Tapos si Shine naman busy sa lock in taping at si Macky sobrang busy bilang councilor sa San Juan. I’m asking na kami ni Shine mag-get together after her lock-in at si Macky naman pag hindi siya masyadong busy, magkikita kami ni Dave, Macky, ako.
“Mas maganda kasi marinig ko nang personal yung both sides kung anuman yung pinagdadaanan nila kung meron man,” pahayag ni Aras a pocket presscon ng pelikulang Katok na streaming na ngayon sa AQ Prime..
Ikinagulat ba niya ang balita?
“Dumating din naman sila sa point na nag-aaway sila alam ko, pero hindi lang lumabas sa media. Eto siguro dahil busy si Macky at si Shine, siguro time for each other yung nawawala.
“Sana maging maayos lahaat kasi hindi rin biro yung six years. And ako naman kasi, basta mag-pray lang, and ang ano ko kung destined sila for each other kahit anong mangyari sila pa rin. Nasa pag-uusap lang yan nang maayos,” tugon ni Ara.
Patuloy niya, “Kung anuman yung pinagdadaanan nila I really don’t know yung puno’t dulo. Pero ramdam ko na parang may pinagdadaanan. Hindi ko lang nababasa yung mga post nila, pino-forward lang sa akin. Ayokong mag-conclude.”
Ayon pa aktres, kahit sila ng asawa niyang si Dave Almarinez ay may mga pag-aaway din.
“That’s normal!. Walang perfect na couple. Actually, minsan yung pinag-aawayan namin sobrang small things pero pina-patch-up din namin.
“Kasi ako di ba, nasanay ako for the longest time na independent. Minsan nakakalimutan ko na may asawa ako. Parang,’Ay oo nga pala kailangan ko nga palang ikonsider yung asawa ko, may asawa na pala ako.’ Yung mga ganun. Nagiging careless lang ako and hindi ako sensitive na may asawa ako. Do’n kami nagkakaroon ng mga petty quarrels,” kuwento pa ni Ara.