NAKABUTI TALAGA para kay Ara Mina na ang huli niyang nakarelasyong si Mr. Raymond Yap na isang Fil-Chinese businessman ay hindi taga-showbiz. Nauna na rin kasi para sa dating sexy star ang paniniwala, na dahil hindi nga taga-showbiz si Mr. Yap, hindi na lang talaga niya ilalantad ang identity nito. Kaya lang, hindi rin nga nailihim ang tunay na pangalan ng nasabing businessman, na noong una ay tinawag muna niya sa pangalang Moy.
Mayroon na talagang pahapyaw na salita si Ara nitong huli, na diumano’y hiwalay na nga sila ng kanyang huling boyfriend. Mati-pid pa rin siyang magsalita tungkol sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan, dahil naroon pa rin ang respeto niya kay Mr. Yap, na hindi na nga siya dapat pang mapag-usapan. Nitong huling makaharap namin si Ara ay halata namin ‘yung lungkot sa kanya, pero parang kinakaya naman niya ang sitwasyon.
Kulang na kulang ang sigla ni Ara, at nawala ‘yung kanyang pagiging tsikadora gaya ng dati. Kauna-unawa naman siyempre ‘yon, dahil mahigit na dalawang taon din ang inabot ng relasyon nila ni Mr. Yap. Pero sa pagpapatuloy man ng kanilang relasyon, hanggang sa hiwalayan, ay naging tahimik talaga iyon, kumpara sa relasyon nila noon ni Polo Ravales.
BLIND ITEM: Kanya-kanyang drama lang naman ang mga bagets na kalalakihan sa kanilang panahon ng mga pangangailangan at pagpatol sa mga bading. Mayroong walang paki at okey lang malantad ang kani-lang pagpapahada. Mayroon namang mga lalaki na gusto ang istilo na sobrang patago ang pagiging mapagbigay ng kaligayahan sa mga bading. Ganyan ang diskarte ng aktor na itago natin sa screen name na Ton-ton Manotoc mula sa isang sikat na Network.
Nakilala sa showbiz si Ton-ton, dahil sumali siya sa isang talent search. Pero bago siya umentra sa showbiz ay kontesero na rin siya sa mga pakontes para sa mga kalalakihan, kung saan pagbubu-yangyang ng magagandang katawan ang laban. Kasi nga, maganda ang kanyang height, at wow rin ang kanyang katawan sa ganda. Rumampa-rampa rin siyang model noon, pero wala siyang asenso roon. Mahirap lang sila at may sakit pa ang kanyang mommy, kaya kinakapos talaga siya sa datung.
Kapag kinakapos sa pera ay nagpapahada si Ton-ton sa mga bading lalo na sa mga parlorista, dahil sila ‘yung mga bading na laging may kita. Dahil pang-artista nga ang kara, kaya naman malihim si Ton-ton magpayari sa mga beki. Ang milagro ng kaligayahan ay sa sobrang tagong lugar nila ginagawa, gaya sa kadiliman ng kakahuyan o kaya ay sa sementeryo. Naroon din ang pakiusap sa mga bading na humahada sa kanya, na huwag siyang ibubuking na puwedeng hadahin. Sumasang-ayon naman ang mga bading na kanyang napaliligaya, dahil malambing siya. Kaya ngayong sikat na si Ton-ton sa showbiz, walang makalkal na baho tungkol sa dati niyang pagpapahagip sa mga beki.
ChorBA!
by Melchor Bautista