AGAD-AGAD NA MAY nagkalat ng video ni Ara Mina sa isang interview niya sa Facebook. Ang unang reaksiyon nga ng mga nagmamalasakit kay Ara eh, ang pagsasabi kung bakit kinakailangang isang taga-showbiz din ang pumatol sa nasabing video kung saan nagnanais na palabasing bobo at walang alam si Ara sa mga sinasagot nitong tanong sa kanya.
Hiningan na namin agad ng panig si Ara kahit sinabi nitong magpapalabas na lang siya ng statement.
“At the rate it’s going, naging viral campaign ito against me, which is unfair kasi nai-influence ang mga tao based on a video that has been re-edited.
“Anyway, para malinawan ang mga bagay, una, I will not claim and I have never claimed na napakagaling ko or that I know everything about national issues. Kung ang tanong is that, kung may alam ba ako? Oo! But in an interview na rapid fire ang pagtatanong, siyempre nag-iisip pa ako, bumabalanse at nag-a-assess kung anong implications ng sagot ko. Halimbawa, am I for or against pre-marital sex? Against! Bakit? Maraming kabataan na ang nakatingin sa akin ngayon, who will follow my example, who will take my answer seriously.
“Tama ba’ng sabihin ko na yes, I am for pre-marital sex? Hindi. Kalat na kalat na ngayon ang issue ng pagdami ng may HIV at AIDS na kabataan tapos sasagot ako na parang kino-condone ko pa? Susunod, are you for or against private armies? Even dito sa bagong commission na itinatag nila, sa tingin mo mawawala ‘yung mga pulitiko o tao na natatakot ma-ambush o mapatay? Hindi. Alam n’yo, ‘yung problema kasi during the interview, ang dami kong tinitimbang sa isip ko. At kahit sinong guest siguro dumadaan sa ganito, tama ba o hindi? Okay ba o hindi? Hindi ibig sabihin noon, wala akong alam o wala akong pakialam. Ang problema ko lang, hindi ako sanay sa political interviews.
“Pero ‘yung husgahan ako na parang ang sama-sama ko na, ang sakit naman. Ang sama ng loob ko, is kung bakit after almost one month after ko na nag-guest at saka inilabas ito? Obviously, may gustong manira sa akin. Imagine, isang oras ‘yung show tapos ang inilabas is a 3 or 5-minute video kung saan naka-highlight ‘yung supposed na pagkakamali ko.
“Alam n’yo, mapapansin naman sa video na nag-iisip ako. I was weighing my answers. Mabilis lang ‘yung tanong. At lalong naging mabilis tingnan when they re-edited the video. Grabe. Kung demoliton job ito, ewen ko na. Nagtiyaga silang i-edit ‘yung video, i-upload at ikalat kung saan-saan. Sana, ipinakita nila ang buong interview.
“Sana po, naisip rin nila na mahirap masalang sa isang political interview lalo na’t ingat na ingat ako na baka may masagasaan o matamaan ako. Regarding Mo (Twister), may nakapagsabi sa akin na days after the interview, nag-apologize siya sa radio program niya for helping me. Hindi ko alam kung ano’ng tulong ang sinasabi niya. Pero ‘di ba, dapat lang, bilang host at ako bilang bisita niya, na alalayan niya ako at hindi lituhin? Bisita ako roon. Tama lang na maging racious o polite siya sa ‘kin. Anyway, ayokong makipag-away sa kanya dahil useless naman, ‘di ba? Pero sana, ‘yung mga nanlalait sa akin, isipin n’yo, paano kung kayo ang nakaupo roon? Paano kung kayo ang nag-iisip pa lang pero may kasunod nang tanong? Madali ang humusga pero paano kung kayo ang nakasalang?
“ Wala namang perpekto (na tao). Pero ‘yung husgahan ako, ‘yung ikalat ang video na pinutul-putol after a month, ‘yung i-upload at gawing campaign against me, ‘di ba mali naman? ‘Di ba unfair naman? Again, ‘di ko sinasabi na napakatalino o napakagaling ko, pero alam ko ang ginagawa ko, malinis ang hangarin ko at kung isyu at isyu lang, may sagot ako. Sa mga naninira sa akin, sana hindi mangyari sa inyo ang ginagawa sa akin ngayon. Pero, God bless pa rin sa kanila!”
The Pillar
by Pilar Mateo