SIGURADONG magiging kontrobersyal ang latest indie film ni Ara Mina dahil sa maselang tema nito about a mother and son’s “different kind of love.”
Ang title ng pelikula ay Immaculada (Pag-ibig ng isang ina). Ito ay prinodyus ng Blank Pages and Royal Film Productions, Inc. at idinirek ni Arlyn dela Cruz.
Ayon kay Ara, kahit alam niyang taboo ang istorya ng Immaculada ay tinanggap niya ang project dahil na-challenge siya sa role.
“Never pa akong nakagawa ng ganitong klaseng role sa buong buhay ko. Sobrang na-challenge ako,” sey pa ng aktres.
Napapayag din ni Direk Arlyn si Ara na muling gumawa ng love scene, this time with a younger man Akihiro Blanco sa pelikula.
“I don’t mind doing it with a younger man. Kasama naman siya sa iskrip at malaki ang tiwala ko kay Direk Arlyn.
“Yon nga lang, hindi na siya yung katulad ng ginagawa ko noon. Siyempre, nanay na ako. May limitasyon na rin kahit papaano,” sambit pa niya.
Ayon pa sa aktres, ginawa niya ang Immaculada dahil nami-miss na rin daw niyang gumawa ng mga pelikulang muling tsa-challenge sa kakayahan niya bilang aktres.
Napanood na namin ang pelikula at medyo kinilabutan kami. Ang tapang ni Direk Arlyn para gawin ang pelikula although hindi naman ganun ka-graphic ang mensaheng gusto nitong ihatid sa audience.
Samantala, kasama ni Ara sa Immaculada sina John Estrada at Elizabeth Oropesa.
La Boka
by Leo Bukas