ARA MINA reportedly had a miscarriage. Siyempre, she bore her supposed firstborn by her boyfriend, si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Tatlong buwan ang ipinagbubuntis ni Ara, na laking panghihinayang sa nangyari. But the good news is that plano na siyang pakasalan ng ex-dyowa ni Aiko Melendez kung hindi this year ay sa 2015.
The not-so-good news though ay ang suspetsa ni Ara na si Diana Zubiri raw ang posibleng nagkalat na nakunan siya which she (Ara) initially denied when asked by a reporter only to admit later.
KABALIGTARAN NAMAN ito sa nga’y pitong buwan nang buntis na si Jerica, anak ni Manila Mayor Erap Estrada dating sexy actress na si Laarni Enriquez, courtesy of Bernard Palanca na dating karelasyon ni Meryl Soriano.
Dahil two months away from giving birth, inaasahan na sanang kapananabikan ni Mayor Erap ang pagsipot sa Christian world ng kanyang magiging apo. Unfortunately, Jerica’s father feels otherwise.
Ayon sa aming source, mabigat daw sa kalooban ni Erap na tanggapin ang sinapit ng kanya pa manding paboritong anak next to Jackie Ejercito. Pinag-aral nga naman si Jerica ng kanyang mga magulang sa London only to get pregnant?
Pero huwag din sanang kalimutan ng kampo ni Erap na may pedigree ang angkang pinagmulan ni Bernard. Himself a legitimate Palanca, sapat na marahil ‘yon para tapatan ang illustrious Ejercito family even if the former has no political lineage.
Personally, naniniwala kaming maganda ang naging pagpapalaki nina Erap at Laarni sa kanilang mga anak. Pero sa tanggapin natin o sa hindi, ang mga anak na busog sa pangaral do not necessarily take the right path in life.
The same seemingly goes for sa isa ring anak nina Erap at Laarni, si Jake na pinag-aral din ng kanyang mga magulang sa London. Pero kanino rin ba nababalitang nasadlak si Jake, kundi kay Andi Eigenmann na meron nang anak out of wedlock?
Alam nating lahat that any parent would only want the best for his child. At kung sakali mang malihis ito ng landas, hindi siguro dapat sisihin ng sinumang magulang ang kanyang sarili.
Bottomline: it doesn’t follow that a good parent produces a good offspring.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III