PORTRAIT OF MY love?: Nasa Amerika si Ara (Mina) nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang matalik na kaibigang si Jimmy Bondoc at isang magandang balita ang hatid nito!
Nagkaroon pala ng pagkakataon si Jimmy na makausap ang mahusay na pintor na si Bencab sa Baguio, kung saan naman madalas na magkaroon ng gig ang musikerong si Jimmy. Sa kanilang kuwentuhan, nabanggit ng mahusay na pintor na interesado siyang kunin ang aktres para maging Muse niya sa bagong obrang ihinahanda.
Nude painting kaya ang ihahain ni Bencab sa aktres? At kung sakali, tanggapin naman kaya ito ni Ara?
“Sinabi ko kay Jimmy at alam naman niya na hindi na ako nagpapaseksi. Pero mag-uusap-usap pa lang naman kami. And I’m sure, isang magandang proyekto naman ‘yung gustong i-offer sa akin ni Mr. Bencab. It would be an honor para maging modelo sa iguguhit niya. Hindi naman ako kinakabahan. Dahil alam ko naman kung gaano siya kagaling at napakataas ng respeto sa kanya sa mundong ginagalawan niya.
“If ever kailanganin kong mag-bare, siguro, semi lang ang mangyayari. Depende na nga rin lang sa ideya niya.”
Ikukunsulta kaya ni Ara ito sa kanyang Papa Raymond (Yap)? Paano kung hindi ito pumayag?
“When it comes to my work, never naman siyang nakialam. Kaya nga naa-allow niya akong mawala kahit ilang linggo kung may shows ako abroad, dahil alam niya na when he entered my life, ito na ang buhay ko, ang bread and butter ko. With regards du’n sa pag-pose ko para maging subject ng painting ni Mr. Bencab, I think walang magiging problema sa amin. Like I said, it will be such an honor!”
LAST HURRAH!: AND it’s another message from Mommy Pinty: “Gud day Pilaru. Naging isyu na ‘yung write-up mo. Hehe. Sana next time, make sure na reliable ang source mo na gusto lang manira just like you mentioned nang tumawag ka. Eh, di totoo naman. Let’s be careful next time. Kasi, ‘yan pagsulat niyo ng negative lalo’t ‘di totoo ay nasira niyo na artist ‘di ba? ‘Di ako galit ha? Advise lang n asana ma-redeem mo naman si Tin sa ginawa mong write-up. Hehe. Kung puwede sana. Labyu Pilar. Mwah! (smiley)”
Correction lang po, hindi ako ang tumawag kay Mommy. Hindi ko naman alam ang number niya, eh. And correction din po, my sources are very reliable. Hindi ko na kailangan pang isa-isahin – mula sa church na nagbigay ng plaque of appreciation kay Tin (na isinama na rin sina Ara at Vic Ganda) at sa sari-saring producers and promoters na karamihan eh, first time ko lang nakilala. Tadtad naman ako sa pag-redeem kay Tin noon pa. Pero ni isa, walang napansin si Mommy Pinty nor Tin to even merit a thank you. Ang hirap kasi sa maraming mga artista, makanti mo nang kapirot, parang ang sama-sama na ng ginawa mo.
Ay labyu rin, Mommy. At alam mo ‘yan! At alam nating lahat what happened for people to react this way sa ire-redeem kong si Tin. Wait ka lang!
The Pillar
by Pilar Mateo