Previously confirmed, pero last minute ay ikinansela ni Ara Mina ang kanyang live guesting sa Startalk nitong Sabado, ewan kung dahil nakatango na siya sa aatenang binyagan. Or in my mind, Ara must have been scared there might be a “sequel” to her most embarrassing TV appearance ever.
Startalk naman ang kanyang pupuntahan, at hindi Showbiz Central kung saan isa sa mga hosts si Mo Twister. Pero sa halip na sumipot, Ara opted to send through text her two-part statement na ewan if she constructed herself. Sa ilang ulit kasing pangungulit ng kasamang Gorgy Rula tungkol sa kanyang pahayag, kumain ng tatlong gaps ang paghihintay sa sagot ni Ara. So who wouldn’t think that in the middle of the binyagan ay kinukulit naman niya ang kanyang “ghost texter” for a well-constructed, unflawed statement?
At some point, bahagyang sinisisi ni Ara si Mo Twister whom she felt shook her head with a volley of mind-boggling questions on national issues that simply required for-or-against answers. Ang dapat managot sa sinasabing edited video clip na ‘yon was actually the one who uploaded it on the internet, na ang nais palabasin ay kung gaano ka-least informed (o, ayan ha, I didn’t say syunga-ers?) si Ara.
A sense of “forethought” would help Ara understand kung anuman ang kanyang kalagayan ngayon. Huwag niyang idepensa na hindi siya sanay sa mga political interviews: the network (being ABS-CBN News Channel) and the program title (In My Opinion) provide obvious clues to an expectedly political discussion.
Mas bumilib pa sana ang publiko kay Ara if she maintained honesty by admitting to her limited, if not total lack of knowledge tungkol sa mga isyung hiningan siya ng for or against answer. People would have seen VFA, hindi Visiting Forces Agreement, kundi Very Frank Ara!
EOP… Economic Order towards Progress? Hindi! Enough of Palusot!
TINGNAN NAMAN NATIN kung lulusot ang Star Magic artist na si Kristel Moreno in her bid to stardom via Joey Romero’s Pitas. A niece of Alma Moreno and a former child star, sinugalan ng isang independent film producer si Kristel.
This early, ikinakabit na ang kanyang pangalan kay Krista Ranillo na inagawan umano niya ng nobyo (kaya ba bilang ganti ay ine-enjoy ng anak ni Mat Ranillo III ang tsismis na nang-aagaw naman ito ng asawa ng may asawa?). Pero sumumpa si Kristel, kung sinuman daw ang lalaking tinutukoy ni Krista (‘yun ba ang produ mismo ng Pitas?), bago siya nakipagrelasyon ay tiniyak niyang wala itong sabit, ‘ika nga, kapitas-pitas.
Love interest naman ni Kristel sa naturang Joey Romero film si Sid Lucero, sounds like “seed” na hinihintay munang tumubo at mamunga bago pitasin. Kumbaga naman sa prutas, very succulent ang dating ng mga baguhan ditong sina Greggy Santos at Enrique Gil, umaagos ang “dakta” kaya masarap kainin!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III