KAYO NA ANG bahalang tumukoy kung sino ang taga-gobyernong iniuugnay ngayon kay Ara Mina, but here’s hoping that this is just another bit of gossip like air that she breathes.
Matagal nang umeere sa TV ang political campaign ad ng pulitikong ito, ikatutuwa pa nga ng American poet na si Joyce Kilmer ang matalinhagang kunek nito sa kanyang pagkatao. Sasambahin din ni DENR Secretary Lito Atienza ang pulitikong ito.
Ayon sa text message na aking natangap from an anonymous sender: “It seems that Ara Mina has taken a bite of the forbidden fruit”.
Shades of Eve in the Paradise of Eden? Teka, ayaw ng kapatid niyang si Cristine Reyes na gumanap bilang Eva Fonda, ‘no!
Talentadong Pinoy, patok na patok
OA DIN PALA ang isinasagawang nationwide auditions para sa Talentadong Pinoy ng TV 5. At isa lang ang ibig ipahiwatig nito bukod sa mayaman sa talento ang ating lahi: Times are really hard.
Sa mga clip ng TP all over the country, hindi mabilang ang dami ng mga gusting ma-shortlist for a Saturday’s episode’s showdown. May mga act na pambihira, meron ding sasabihan mo ng,” Next!” as in they will leave you open-mouthed with sheer boredom.
To date, ang nananatiling kampeon ng TP ay isang biritera, at para lang sa akin, ito ang tunay na talent sa tunay na kahulugan ng salita. Dapat kasi ay malinaw ang guhit ng pagkakaiba ng talent sa skill, gaya na lang ng sanrekwang TP contestants na produkto ng mga karnabal.
But overall, TP is another milestone on Philippine TV, na nagbibigay-pag-asa rin hindi lang sa mga nangangarap maging bituin – mapa-artista o mang-aawit.
Jun Lalin, walang paki kay Mo Twister
HINDI NA ITINULOY ng kaibigang Jun Lalin ang kanyang orihinal na plano na sumulat sa pamunuan ng GMA Network, Inc.. upang ireklamo si DJ Mo na umano’y tumawag sa kanya ng “pig”.
Habang tinitipa ko ang kolum na ito, hiningan ko ng pahayag si Jun sa pamamagitan ng text. Ito ang kanyang reply: Ipinagdasal ko na lang that he (DJ Mo) may find peace in his heart para he will stop ‘yung ganitong racist remarks and name-calling. Ayoko nang pumatol pa. tama na ‘yung overwhelming support ng fans, friends and stars sa akin, and of course, sa mga tulad mo. Thanks.”
If I know Jun well enough, hindi siya ang tipo na pinaiiral ang tinatawag na “eye-for-an-eye, tooth-for-a-tooth” bilang klase ng benggansa. Having been in this business longer than his assailant, alam ni Jun ang mga bagay na ipinauubaya na lang sa divine intervention.
Take it from the American essayist Norman Vincent Peale: “Dignified silence is the best replay to slander.”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III