INURIRAT si Ara Mina sa storycon ng pelikulang “Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina” kung nagkabalikan sila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses? Madalas kasi na nakikita ang ama ng kanyang anak sa mga importanteng okasyon.
Ayon sa aktres ay magkaibigan sila at tanggap na niya ang ganoong situwasyon nila. Ang mahalaga ay hindi nagkukulang si Mayor sa obligasyon niya sa kanyang anak.
Hindi rin daw totoo na nanliligaw ulit si Mayor sa kanya para magkabalikan sila.
Hindi rin bitter si Ara kung nababalitaan niya na diumano’y may idini-date na iba si Mayor. Kahit naman siya ay puwede tumanggap ng suitors pero hindi raw niya priyoridad yan ngayon. Tutok daw siya sa anak niya. sa business at sa kanyang career. Plano ni Ara na balikan at maging aktibo sa kanyang singing career.
Bukod dito, tinanggap niya ang pelikulang “Immaculada, Pag-ibig ng Isang Ina” kasama sina John Estrada, Akihiro Blanco, Elizabeth Oropesa, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Jemina Sy, Joyce Pilarsky, John Robin atbp. Ito ay sa direksyon ni Direk Arlyn Dela Cruz under Kapandesal Events & Productions Inc and BlankPages Productions.
Ipinagmamalaki ni Ara ang script ng “Immaculada” at pang-award daw ang pelikulang ito. Maselan ang tema na kung saan ay may love scene sila ng young actor na si Akihiro Blanco. Ang tindi raw ang twist ng naturang pelikula.
Kahit si John Estrada at Jeffrey Santos ay nagandahan sa script kaya tinanggap nila ang naturang proyekto.
Boom!
-0o0-
AKIHIRO BLANCO,MAY BUTT EXPOSURE
HINDI PA nababasa ni Akihiro Blanco ang script ng “Immaculada, Pag-ibig ng Isang Ina” at nagulat siya sa storycon nang sabihing may butt exposure siya sa naturang movie.
Wala naman siyang balak nba umatras sa nasabing pelikula.Buong ningning niyang sinabi na handa na siya sa mga matured roles at magpakita ng katawan.
May pressure nga sa kanya nang sabihin ni Ara na malaking break ito kay Akihiro at posibleng maging Best Actor pag nagampanang mabuti ang kanyang role sa pelikula”Immaculada”. Dagdag pa ni Ara na pang-Lino Brocka at Ishmael Bernal ang tipo ng script at materyales ng “Immaculada”.
Talbog!
‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro