Nag-quit sa kanyang bagong show si Ara Mina dahil umano sa hindi pagbibigay ng halaga sa kanya bilang artista. Kahit pa umano kailangan niya ng trabaho, lalo pa’t isa siyang single mother.
Sa latest Instagram post ni Ara Mina, sinabi niyang naranasan niya kamakailan ang “siguro pinaka-disappointing na pangyayari sa career ko.”
Sa kanyang post na may kalakip na imaheng “I quit! :(”, aniya, “More than 2 decades na ako sa industriyang ito, sobrang dami ko nang nakatrabaho at nagawang trabaho. Kahit mahirap na trabaho, di ko ugaling magreklamo kasi I’m a very patient person and hindi rin ako overly sensitive. I’m very open-minded and understanding.”
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Just recently, naexperience ko ang siguro pinaka-disappointing na pangyayari sa career ko. I have never felt slighted and devalued like how I am feeling right now.
“And it’s because of this one show that I committed myself to. Na akala ko mabibigyan ng halaga yung commitment ko and my value as an actress, which I believe is not so much for me to ask.
“Inintindi ko ang delays, I honored my contract and commitment kahit na ang dami kong offers since October of last year. Kasi may word of honor naman ako. Pero ganito pala ang isusukli sakin.
“Now, i want out. I won’t tolerate this. Not because mataas ang tingin ko sa sarili ko. But, I know my worth. And for me to be able to work well, kailangan maipakita kong may respeto naman ako sa sarili ko bilang artista.
“Yes, i need to work. I am a single mother. But, I cannot allow them to devalue me any further. There are surely better people to work with.”
“Therefore, I quit!” pagtatapos ni Ara Mina sa kanyang post.
Nilinaw naman ng aktres na ang post niya ay hindi patungkol sa ginagawa niyang movie sa Star Cinema na “My Ex and Whys” kasama ang love team nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Tugon niya sa isang follower na nagtatanong, “@excuseme_mylife wala pong problem sa movie na My Ex and Whys… I’m not talking abt that po.”
Kabilang si Ara Mina sa upcoming serye ng GMA Network na “Pinulot Ka Lang Sa Lupa” na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores