IDADAAN NAMIN sa poetry, partikular sa paggamit ng free verse o malayang taludturan ang aming item in italics: here goes.
Child at
Risk
In a
Swinging
Turn to an
Infinite
Nothingness,
Even more
Restless,
Erasing her
Years of
Exalted
Stardom
KUNG INYONG mapapansin, the first letters in every line spell CRISTINE REYES. Sa tanggapin man o hindi ni Cristine, her stardom hangs like a pendulum. Blame it on her character that might ruin it all.
Kung masusunod ang kanyang time table, Cristine is expected to arrive home more than a week from now makaraan ng kanyang three-week stay in London. By then, pagkakataon na ‘yon ng aktres para mag-react sa latest interview sa kanyang Ate Ara Mina who’s consistent with her statement that all she demands from Cristine is a sincere public apology that should precede an honest confession to her fault.
Samantala, a damsel in distress, buti na lang ay merong knight in shining armor si Ara sa katauhan ni Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan. A province famous for its sweet delicacies, “sweet” ang disposisyon ni Ara sa piling ng guwapo’t makalaglag-panty na alkalde as a breather from all this legal hassle.
Now a certified culinary arts certificate recipient (na sinamahan pa ni Papa Patrick sa kanyang pinagradweytang international cooking school), Ara seems ready and proud to present her “love dish” made from the finest ingredients.
Narito ang mga sangkap ng kanyang romantikong putahe: 1) one tablespoon ng pagiging aprubado ni Mommy Klenk kay Mayor Patrick dahil hindi raw naringgan ni Ara na mag-nega ito na magkakahiwalay sila ng alkalde; 2) diced pieces of Mommy Klenk’s advice na alagaan at ingatan daw ni Ara si Mayor Patrick; at 3) isang kilong pagkamagaan ng loob ni Ara sa kanyang mayor-dyowa, huwag nga lang daw ipilit muna sa ngayon ang plano nilang pagpapakasal.
Pagsama-samahin ang mga rekadong ito, ihalo sa isang kaserola ng pag-ibig, isalang sa apoy ang kanilang mga nag-aalab na damdamin, hayaang kumulo hanggang ganap nang maluto ang pagmamahal na maaari na nilang pagsaluhan.
Ay, ang sarap…!
KUNG SI Rosanna Roces ay gumanap bilang Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga on the wide screen, sa TV ay nakatagpo naman siya ng katapat sa katauhan ni Gelli de Belen
Seven days a week nagtatrabaho ngayon ang maybahay ni Ariel Rivera: in the absence of Amy Perez (who is presently infanticipating) ay si Gelli ang pansamantalang host ng Face To Face from Monday to Friday; sabak naman siya sa tsismisan via Paparazzi tuwing Sabado at sa Game N’ Go naman every Sunday.
Of these regular shows, challenging na maituturing ni Gelli ang kanyang pagiging pinch-hitter sa kauna-unahang talak-serye sa bansa, ang Face To Face. Naloloka man siya sa reaksiyon ng mga sawsawero’t sawsawera sa audience, idagdag pa ang tensiyon ng kanyang mga “sa pula at sa puti” guests, Gelli is able to assimilate herself into the quirks and eccentricities of the program.
Mismong si Tyang Amy ang nagrekomenda kay Gelli to be her temporary replacement, dahil na rin sa paniniwalang keri ni Mrs. Rivera na masaksihan ang mga talakan, hiyawan at pagpapakawala ng mga emosyon ng mga taong sangkot sa mga isyung akala natin ay katsipan lang, pero nangangailangan din pala ng legal, moral, spiritual at psychological intervention.
Sige, Gelli, magpakitang-gilas ka, ‘Day. Patunayan mo that there’s more and weightier to your slim figure.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III