KUNG PUWEDE NGA lang sigurong sungangain ni Ara Mina ang bibig ng mga patuloy na gawa nang gawa ng tsismis sa kanya sa pamamagitan ng pagli-link sa kanya sa kung sinu-sinong mga lalake, eh, ginawa na nito.
Hindi pa man nga kumpirmadung-kumpirmado ang pagtakbo niya sa pulitika, sinisimulan na siya ng kanyang detractors. Nakatanggap din kami ng text message na ipinakalat, gaya ng natanggap ni katotong Ronnie Carrasco, na sa isang Puno naman idinidikit ang pangalang ng aktres.
Masalubong mo pa ang isang Bernard Cloma’ng very much identified with Jinkee Pacquiao at sasabihan ka na ang kaibigan niya mismo ang nakakita kay Ara at kay Pacman du’n sa hotel na lalo lang sumisikat dahil sa nasabing isyu.
“Sige pa, i-link pa nila ako nang i-link sa lahat ng magagamit nila. Pero sana nagre-research din muna sila, ano? Kasi, kaibigan ng pamilya namin ang mga Puno. At kahit na pre-paid ang ginagamit na number niyang nagpapakalat ng tsismis na ‘yan, kilala ko na kung sinu-sino sila dahil paulit-ulit lang naman nilang ginagawa ‘yan sa ‘kin. Nabuking ko na nga ‘yung iba before pa, ‘di ba? Dati nga, isinangkot pa ako at ginawan ng isyu na ako raw ang nagkakalat ng kung anong tsismis about my very good friend Jimwell Stevens. O, lumabas din ang totoo, ‘di ba? Baka may mga nai-insecure na naman at may bago na naman akong soap. At baka ‘di nila feel na nakapasok uli ako sa GMA-7 (Tinik sa Dibdib). Actually, ang tatanga nga nila, eh. Kasi, buking ko naman kung sinu-sino sila.”
Eh, sa anong mga pangalan ba natin sila itatago?
Hindi na raw kailangan dahil madali namang malaman.
Sige nga, I’ll make wild guesses: taba, bakulaw at dambuhala!
Saka na lang daw iko-confirm ni Ara kung tama ang mga clues ko!
Lotlot de Leon, pupunta sa US
ALL her bags are packed and anytime now, she’s leaving on a jet plane bound for the US!
Ito ang matagal na pinag-isipan ni Lotlot de Leon. At dahil malalaki na ang kanilang mga anak, naipa-intindi nang mabuti ni Balot sa mga bata ang bagong hakbang na isasagawa niya sa buhay – ang hanapin ang sarili sa paglayo para na rin sa kapakanan ng kanyang mga anak.
No, hindi siya sa poder ng kanyang inang Superstar tutungo. Sa ibang bahagi ng US siya pupunta at umaasa siyang isang magandang oportunidad ang magbubukas para sa kanya.
Hindi rin isang boyfriend ang magpepetisyon sa kanya para mamalagi roon. Isang mahabang bakasyon lang muna ang plano niyang gawin doon. Pero kung may magbubukas ngang pintuan para sa kanyang pagtatagal, eh, hindi niya tatanggihan.
Doon na rin siguradong masisimulan ni Balot ang matagal na rin niyang balak na pagsulat ng isang libro tungkol sa kanyang buhay. Tungkol sa buhay niya kasama ang Superstar na ina at Hari ng Dramang ama at mga minamahal niyang mga kapatid hanggang sa pagkakaroon na ng sariling pamilya at ang naging masaya at masalimuot na buhay niya in showbiz.
Tinanong ko si Balot bago siya umalis kung nag-uusap na ba sila ni Ate Guy. At ang sabi niya, eh, matagal na silang hindi nag-uusap at hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong mabuksan ang lines of communication.
May nakapagsabi sa akin na parehong nasa Amerika na ang biological parents ni Balot. Magkakaroon din kaya ng pagkakataon para masalubong man lang niya o makita ang isa man sa kanila?
Nakapagpaalam na si Balot sa mga taong malapit sa puso niya, sa manager na si Tita Angge hanggang sa mga tunay na kaibigang gaya ni Sylvia Sanchez at Mymy Davao.
The Pillar
by Pilar Mateo